Advertisers

Advertisers

Bong Go, Most Outstanding and Inspiring Public Servant of the Year

0 13

Advertisers

Kinilala si Senator Christopher “Bong” Go bilang Most Outstanding and Inspiring Public Servant of the Year sa 4th Annual Asian Torch Excellence Awards na inorganisa ng Realtalk Philippines sa seremonyang idinaos sa Quezon City kamakailan.

Ang parangal ay nagbibigay-diin na ang tunay na sukatan ng serbisyo publiko ay hindi nakasalalay sa mga parangal kundi sa mga buhay na naging maayos sa pamamagitan ng seryosong serbisyo.

Sa kanyang video message na ginanap sa awarding ceremony na ginanap sa Emerald Hall ng Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City noong Marso 22, binati ni Senator Go ang mga kapwa awardees kung saan ay binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tiyaga, sakripisyo, at pakikiramay sa kanilang ibinahaging paglilingkod.



Ang parangal kay Go ay tinangap ng kanyang Chief of Staff na si Angelo Villar. Ito ang ikalawang sunod na taon na ginawaran si Senator Go ng parehong karangalan.

Pinuri niya ang mga nag-organisa ng parangal, partikular na si Leo Gamel Orencia, tagapangulo at tagapagtatag ng Asian Torch Excellence Awards Council, sa pag-udyok sa mga public servant at professionals na magsumikap sa kanilang trabaho para sa iba.

“Dahil sa inyong pagkilala, marami ang nahihikayat na patuloy na isulong ang kanilang mga adbokasiya,” aniya.

Ang Asian Torch Excellence Awards ay taunang programa ng pagkilala na inorganisa ng Realtalk Philippines, isang media at public affairs platform na itinatag ni Orencia. Layon ng organisasyon na i-highlight ang mga kuwento ng serbisyo, pamumuno, at epekto nito sa komunidad sa buong bansa.

Para kay Senator Go, ang parangal ay hindi lamang personal na pagkilala, kundi isang salamin ng sama-samang pagsisikap na ginawa ng mga taong tahimik ngunit taos-pusong nagtatrabaho sa paglilingkod sa iba.



“With or without an award, patuloy po akong magseserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya,” ang pahayag ni Go.

Hinimok ng senador ang mga kapwa awardee na ipagpatuloy ang kanilang misyon na magbigay ng inspirasyon sa paglilingkod at pakikiramay sa pagpapasigla o pag-aangat ng buhay ng bawat isa.