Advertisers

Advertisers

Higit P600k droga, nasamsam sa Malabon

0 39

Advertisers

Nasa mahigit P600k halaga ng droga ang nasamsam sa limang drug suspects sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek sa mga alyas na “Renz,” 28, ng Valenzuela City, “Benjo,” 24, “Mark,” 26, Lalamove rider, “Karl,” 25, pawang ng Malabon at “Eseng,” 25, call center agent ng Caloocan.

Sa report kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, nakipagtransaksyon ang isa niyang tauhan sa isa sa mga suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.



Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 66 grams ng high-grade marijuana (kush) at 74 piraso ng marijuana oil (vape/carts) na nagkakahalaga lahat ng P617,000.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)