Advertisers

Advertisers

2 CPP-NPA leader, huli sa Quezon

0 220

Advertisers

NAARESTO sa Atimonan, Quezon nitong Sabado ang dalawang leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ulat ng Philippine National Police (PNP).
Kinilala ang mga nadakip na sina Ruel Custodio alyas “Baste”; at Ruben Istokado alyas “Oyo” at “Miles” na wanted sa mga reklamong kidnapping at murder.
Sa report, nakuha mula sa 2 suspek ang 2 granada, 3 handgun, at sari-saring ammunitions.
Ayon sa PNP, si Custodio ay finance officer ng Southern Tagalog Regional Party na responsable sa pangongolekta ng “revolutionary taxes” sa Quezon province. Respondent umano siya ng magkahiwalay na kaso ng kidnapping at illegal possession of firearms na inihain noong 2019.
Isa naman umanong political instructor si Istokado para sa Komiteng Probinsya 1 ng Bicol Regional Party Committee. Respondent din siya ng magkahiwalay na kaso ng double murder at multiple murder na inihain noong Setyembre 2014.
Sumasailalim na sa booking procedure ang mga suspek sa Lucena City bago sila ipresenta sa korte. (Mark Obleada)