Advertisers

Advertisers

Interpol at NBI sanib pwersa vs fake news

0 11

Advertisers

Hahabulin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga Filipino citizen na nagpapakalat ng fake news sa ibang bansa.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na makakatuwang ng ahensya ang International Criminal Police Organization o Interpol.

Aminado naman si Santiago na isa sa mga hamon nila kung paano mahahabol ang mga Pilipinong nagpapakalat ng maling impormasyon abroad dahil sa Amerika aniya itinuturing lamang na civil case at hindi krimen ang libel.



Sinabi pa ni Santiago kapag US Citizen ang ang vlogger, hamon din kung paano maipapatupad ang batas sa kanila dahil hindi ito ang umiiral na batas sa kanilang bansa.

Ayon kay Santiago, maaari aniyang pumasok sa inciting to sedition dahil parehong krimen ito sa US at sa Pilipinas.

Diin ng opisyal, nirerespeto nila ang freedom of speech at expression ng sinuman ngunit dapat binabalanse nila ito.

Sinabi rin ni Santiago na iniimbestigahan na rin ng NBI ang hindi bababa sa 20 fake news peddlers na iisa lamang ang tema ng content gayundin ang mga umano’y nagpopondo rito. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">