Advertisers
Nasawi sa ambush ang isang mataas ang katungkulan na kawani ng City General Services Office ng Isabela City sa Basilan nitong umaga ng Lunes, March 24, 2025.
Kinilala ang biktima na si Tingan Mancenido, foreman ng solid waste management team ng Isabela City local government unit, ayon sa kanyang mga kamag-anak at ng kasama sa trabaho.
Sa report, sakay ng kanyang motorsiklo si Mancenido, patungo na sana sa kanilang tanggapan ng tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Tabiawan sa Isabela City, mga tatlong kilometro ang layo sa Isabela City LGU center.
Inaantabayanan pa ang ulat ng Isabela City Police Office hinggil sa insidente.