Advertisers

Advertisers

“ITINANIM” NI COMM. RUBIO, “NAGBUBUNGA” NA

0 5,508

Advertisers

“NAGBUBUNGA” na ang “itinanim” ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. At kumbaga, ito ay “siksik,” “liglig,” at “nag-uumapaw.”

Ang tinutukoy natin ay ang kanyang “inisyatiba” noong isang taon na itayo ang ‘Customs Industry Consultative and Advisory Council’ (CICAC), isang ‘partnership’ sa pagitan ng Aduana at pribadong sektor upang mapalakas pa ang kanilang ugnayan at kooperasyon.

Layunin din ng CICAC na maging “kabalikat” ng BOC ang pribadong sektor at lahat ng
‘stakeholders’ nito sa pagbuo ng mga polisiya na lalo pang magpapabilis sa mga proseso ng ahensiya. Naging epektibo rin itong daluyan (‘channel’) para kagyat na masolusyunan ang ano mang problema na may kinalaman sa paglalabas ng mga produkto sa huridiskyon ng Aduana.



Sa selebrasyon ng unang taon ng CICAC na ginanap sa bulwagan ng FFCCII sa Binondo, Maynila, kasabay ng ikatlong ‘general assembly’ nito, noon lang Marso 14, ‘very proud’ siyempre ang ating mga ‘industry leaders’ at mga negosyante na makasama sa nasabing selebrasyon. Dangan nga kasi, “sila” ang unang nakikinabang sa mga repormang isinusulong ni Comm. Rubio sa loob ng BOC.

Sa ganang atin, ang pagbuo ni Comm. Rubio ng CICAC ay isang ‘brilliant strategic move’ na bukod sa nakatulong upang maisakatuparan ang mga “plano” ni Comm. Rubio para sa ahensiya ay nakatulong din ng malaki sa usapin ng ‘transparency.’

Dahil nga aktibo nang kasama ng BOC ang pribadong sektor, hindi na basta “napapalundag” ang ating mga negosyante sa bintang na patuloy na “korap” ang ahensiya.

Hindi rin tuloy nakapagtataka na patuloy na “inuulan” ng mga parangal at pagkilala si Comm. Rubio.

Sa huling bilang natin, tumanggap na ng apat nang “pagkilala” si Comm. Rubio mula sa iba’t-ibang respetadong samahan simula noong Nobyembre 2024 hanggang ngayong buwan ng Marso dahil sa kanyang mahusay na pamumuno.



Eh, wala na tayong masasabi dito kung hindi… “magpakape” ka naman, Comm. Rubio, hehehe!