Advertisers
Inisa-isa ni United Frontliners Partylist first nominee Rt. General Rhodel “Genros” Sermonia ang kanyang mga legislative priorities para sa kapakanan ng mga frontliners sa bansa sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan hosted by National Press Club Dir. Benedict Abaygar, Jr. Binigyang-diin ni Sermonia ang kahalagahan ng kapakanan ng mga marginalized na frontliners na pangunahing kailangan gayundin ang tulong nito sa lipunan. Kabilang sa pagtutuunan ng pansin ng UFP ang mga magsasaka, guardiya, nurse, tindera, pulis, sundalo, media at iba pang frontliners na nagbibigay serbisyo sa bansa na ginanap sa 2nd flor Tinapayan Festival Dapitan st Sampaloc Manila at sa pakikipagtulungan at buong suporta ng Tinapayan Festival at ni Lucito “Chito” Chavez. (BONG SON)