Advertisers
KUMAMADA si DeMar DeRozan ng 27 points upang tulungan ang San Antonio Spurs na ilista ang 119-114,wagi laban sa makulit na Toronto Raptors kahapon sa San Antonio.
Ang 3-pointer ni DeRozan sa nalalabing minuto ang humatak sa Spurs 114-113, upang hawakan ang 115-114 lead sa LaMarcus Aldridge fadeaway put-back sa 29.9 segundong nalalabi.
Fred VanVleet nag-ambag ng 27 points, habang si Chris Boucher nagdagdag ng 22 points para sa Raptors sa kanilang unang out of town game.
Patty Mills nagdagdag ng 21 points para sa San Antonio, Aldridge 12 points at Dejounte Murray 11 points,10 assists at 10 rebounds.
Sa Washington- Pinahiya ng bisitang Orlando Magic ang Washington, 130-120, at mapagtagumpayan ang isa na namang triple-double ni Russel Westbrook sa kanyang home debut para sa Wizards.
Umiskor si Westbrook ng 15 points,15 rebounds at 12 assists para maging pang-apat na player sa NBA history na nagtala ng triple-double.
Terrence Ross kumamada ng 25 points upang pamunuan ang opensa ng Magic, habang si Nikola Vucevic nag-ambag ng 22 points at 17 rebounds, Markelle Fultz bumakas ng 21 points para tulungan ang Magic sa kanilang ikalawang tagumpay sa simula ng season.
Bradley Beal tumikada ng 39 points para sa Wizards, habang si Thomas Bryant 19.