Advertisers

Advertisers

Sen. Imee walang ideya kung kasama pa sa admin slate

0 6

Advertisers

AMINADO si re-electionist Senator Imee Marcos na wala siyang ideya kung kasama pa rin siya sa senatorial ticket ng administrasyon.

Ang reaksyon ng senadora ay ang hindi pagsama sa talumpati sa pag-endorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa campaign rally sa Laguna noong Sabado, Marso 23, kung saan humingi siya ng suporta para lamang sa 11 kandisato sa halip na kumpletong 12.

Nabatid na kapwa wala ang senadora at si Las Piñas Lone District Rep. Camille Villar sa campaign sortie noong Sabado, ngunit binanggit ng pangulo si Villar sa kanyang talumpati.



Matatandaang hindi binanggit ang pangalan ng senadora ng Pangulong Marcos sa dalawang magkasunod na campaign rally. Ayon sa presidential sister na hindi pa niya nakakausap ang kanyang kapatid tungkol sa naturang bagay.

Ngunit wala siyang nakikitang problema dito, sinabing nakatutok siya ngayon sa kanyang imbestigasyon sa Senado kaugnay sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. (Mylene Alfonso)