Advertisers
PINAG-IISIPAN ngayon ng gobierno na higpitan uli ang community quarantine sa bansa. Mula sa kasaluk-yang General Community Quarantine (GCQ) ay itaas ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito’y dahil tumataas na naman daw ang Covid cases at may pinangangambahan pang pagkalat ng mas mabagsik na coronavirus na nadiskubre sa United Kingdom.
Aba’y galing na tayo sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Oo! Hindi ba’t tatlong buwan na tayong sumailalim sa lockdown, walang labasan ng bahay. Nagtiis tayo ng gutom, totally sarado ang mga negosyo mula Marso 17 hanggang Mayo 30. Natigil ba ang Covid? Ngayon ngang halos ‘di na tayo makahinga sa facemask at faceshield nandiyan parin si Covid!
Kung totoong 14 days lang natutukoy o ang pagkalat ng Covid, dapat nang sumailalim ang Pilipinas sa halos 90 days lockdown ay nalusaw na ang virus na ito!
Sa tingin ko ay hindi na mawawala sa hanay ng mga virus itong Covid. Kahit pa siguro tatlong buwan uli na walang labasan ang mga tao sa kani-kanilang tahanan ay dyan parin itong Covid. Para na itong tigdas at dengue eh.
Ang kailangan natin ngayon, Mr. President, ay vaccine kontra Covid, hindi lockdown!
Mr. President, sariwa pa sa ala-ala namin ang iyong mga sinabi sa mga naraan mong public address. Na oras mayroon nang available Covid vaccines ay kaagad kayong bibili. Sabi mo nandiyan na ang pera, may pondo na pambili na vaccine. Anyare?
Marami nang available na Covid vaccines sa merkado ngayon. Nandiyan ang Moderna, Pfizer, Astrazeneca at ang gustung gusto ng iyong Health Secretary Duque na Sinovac na made in China.
Sabi, ang Moderna ay P3,904 – P4,504 ang presyo at 94 percent ang bisa; ang Pfizer ay P2,379 at 95% ang bisa; ang Astrazeneca ay P610 at 62% – 90% ang bisa; pero ang gusto nina Duque at Spox Roque ay Sinovac na tig-P3,629.50 at 50% lang ang bisa.
Anong meron sa mababang klase na Sinovac at ito ang choice ng mga gabinete mo, Mr. President?
In my own opinion, hindi magpupumilit itong sina Duque at Roque sa Sinovac kung walang bendisyon ng ating Presidente Duterte. Tama ba ako, mga pare’t mare?
Kung totoo si Pres. Duterte sa kanyang mga tinuran sa mga nakaraan niyang public address na mayroon nang nakahandang pondo para pambili ng vaccine, bakit hindi pa ito ibili?
At kung totoo ang ibinunyag nina Senador Ping Lacson at DFA Sec. Teddy Boy Locsin na nagpabalik-balik na kay Duque ang taga-Pfizer para sa available na vaccine, bakit pa ito pinakawalan ni Duque?
Ilang milyones bang rason para igiit ng gobierno na Sinovac vaccine ang “only choice” nila? Magkano, Sec. Roque? Eh batid n’yo naman yatang napakamahal nito at kuwestiyunable pa ang ispiritu ng China made vaccine?
Kaya si Roque ang tinatanong ko rito ay dahil siya ang nag-anunsyo na “no choice” sila kundi Sinovac ang kunin dahil ito raw ang available ngayon.
Sige kunin n’yo ang Sinovac at kayo kayo nalang ang magturukan. Mga animal!
Again, hindi na natin kailangan pang sumailalim sa mahigpit na quarantine. Vaccine ang kailangan natin, Mr. President?
‘Wag nang takutin ang US na hindi i-renew ang VFA kung ‘di tayo bibigyan ng Pfizer vaccine. Bumili tayo! Now!!