Advertisers

Advertisers

WISH NI BILLIARDS ICON KAP. MARLON MANALO SA YEAR 2021

0 239

Advertisers

MAGING Covid-free, zero disaster, aktibo at mapayapang taong 2021 ang wish ni billiards and snooker icon Kap. Marlon Manalo di lamang sa kanyang konstituwente kundi para sa Sambayanang Pilipino.

“Sunud-sunod ang naging hamon sa buhay ng mga Pilipino ang dumaan magmula noong Enero 2020, tulad ng pagputok ng bulkang Taal na nag-iwan ng malaking pinsala sa mga taga-Batangas at karatig lalawigan.

Nasundan ito ng pandemyang halos nagpalugmok sa kabuhayan ng mamamayan at ekonomiya ng bansa dahil literal na tumigil ang buhay at aktibidad ng tao pansamantala habang nilalabanan ang pagkalat ng corona virus (Covid-19),” wika ni international billiards champion at SEAGames multi-gold medalist sa SEAGames billiards and snooker events ‘Champ’ Manalo.



Partikular na natengga temporaryo ang larangan ng sports. Sa huling bahagi ng taong 2020 ay unti-unting bumalik sa aksiyon at bumabangon ang bayan sa krisis.

Patunay dito kahit paano ang pagsigla muli ng Philippine Basketball Association (PBA) na nakapagdaos ng bubble tournament sa Clark na wala namang naitalang casualty kaya tiyak na sisigla na muli ang larangan ng palakasan natin kaya masusundan na ito nang pagbukas ng iba pang sports kabilang na ang billiards sa pagluwag na ng panuntunan ng IATF sa sports.

“Sana ay di lang mga bubble at online events kundi mayroon nang crowd ang mga spectator sports pero sunod pa rin sa pagpapatupad ng health protocol at sana ay sa maagang bahagi na ng bagong taong 2021.”

Habang bumabangon ang sambayanan ay nanalasa naman ang apat na sunod na malalakas na bagyo na nagpalugmok halos sa mga baybayin ng buong Luzon.

Pero dahil sa likas na matiisin at angking kagitingang makabangon ng mga Pilipino na pinagningning ng ‘bayanihan spirit ‘ o damayan ng magkababayan ay muling nalagpasan ang krisis upang harapin ang maaliwalas na bukas.



“Likas na matatag ang mga Pilipino. Kayang harapin anumang hamon sa buhay nang may pananalig sa Poong Maykapal. Tuloy ang buhay anumang balakid, tayo ay magtatagumpay,” optimistikong pahayag ng public servant awardee at longtime Chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City na si Kap. Manalo.

At kung ngingitian lalo siya ng magandang panahon sa pagpasok ng 2021 bagong taon ay malamang na ang ‘distinguished gentleman from Mandaluyong City’ ang papalit na mambabatas sa Mababang Kapulungan via term sharing ng kanyang Party List…panalo si Manalo at kanyang sektor na kinakatawan…

ABANGAN!