Advertisers
MAY pinagpipiyestahan ngayon ang netizens tungkol sa kumakalat na malaking intriga sa social media. Gaano kaya ito katotoo?
Iniuugnay ang domestic partner ni ex-President “Digong” Duterte na si Honeylet Avanceña sa laos nang aktor na dating karelasyon ni Kris Aquino na si Philip Salvador, isa sa senatorial candidates ng Partido Demokratiko ng Pilipino (PDP).
Si Duterte ay kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands matapos arestuhin ng International police (Interpol) upang harapin sa International Criminal Court (ICC) ang mga kaso ng pagpatay at krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng “pekeng” war on drugs.
Ayon sa mga marites, kapansin-pansin daw kasi ang “closeness” nina Honeylet at Ipe nang araw na arestuhin si Digong. May pictures at videos na umiikot kungsaan madamdamin ang pagyakap ng aktor sa partner ng dating presidente. Araguy!!!
Noon pa ma‘y kilala nang isang gentleman si Ipe pero ang napansin ng marami ay iba ang pagiging maginoo nito pagdating kay Honeylet.
Inaalalayan pa raw ni Ipe si Honeylet na susundo ng abogado para kay Digong sa labas ng kampo at hindi rin nito pinalampas ang pagharang ng mga sundalo sa ginang sa pagbalik sa loob.
Ang mas mahiwaga raw sa lahat ay ang pagtanggi ni Honeylet na sumakay sa eroplano upang samahan at alagaan si Digong sa The Hague, at nangatuwiran pa ito na walang passport gayong kakagaling lang nila sa Hong Kong.
Sa tradisyon ng pamilyang Pilipino, inaasahan na palagi ang pagdadamayan sa gitna ng anumang sitwasyon, krisis o kagipitan, subali’t tumanggi si Honeylet na lumipad pa-The Hague. At ngayon naman daw ay nakikita ito sa sorties ng PDP kungsaan isa sa mga pambatong kandidato si Ipe.
Ang pang-aasar tuloy kay Honeylet ng isang netizen sa isang Facebook post: “Ayaw mong magpalit ng diaper at mas gusto mo ang brief ni Ipe?” Hahaha…
Sa gitna ng usap-usapan, iba’t-ibang opinyon ang lumulutang. Maging ang batikang showbiz host na si Cristy Fermin ay nagbigay ng komento. Bagama’t aminado siyang walang kumpirmasyon ukol sa espekulasyon, sinabi niyang hindi na bago ang pagkaka-link ni Ipe sa mga mas nakatatandang kababaihan.
Si Ipe ang ama ng anak ni Kris na si Joshua.
Naugnay din si Ipe sa ilang personalidad. Matulis talaga si “Father Balwig”. Hehehe…
***
Umamin na rin si Senador “Bato” Dela Rosa na legal, balido ang ICC arrest warrant laban kat Digong. Kaya nga raw nasa The Hague na ang dating pangulo, nakakulong sa ICC detention facility.
Pero hindi raw tama ang pakikipag-coordinate ng gobiernong Marcos sa ICC dahil hindi na raw miembro ng international court ang Pilipinas.
Ang Pilipinas ay ikinalas ni Digong sa ICC nang sampahan siya rito ng kaso ng human rights groups hinggil sa mga pagpatay mula nang siya ay mayor ng Davao City hanggang sa maging pangulo ng bansa, kungsaan sinasabing mahigit 30,000 ang pinaslang.
Si Digong ay inaresto ng PNP-CIDG kasama ang Interpol noong Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport paglapag ng una mula sa HongKong.
Sinasabing tatagal hanggang 10 taon ang paglilitis ng ICC kay Digong. At pag nahatulan ay makukulong ng hanggang 30 years. 79 na siya ngayon. Masuwerte na kung makauwi pa siyang buhay.