Advertisers

Advertisers

Ilang tulog na lang mga Batang Maynila, babalik na si Yorme Isko!

0 64

Advertisers

SA March 28 ay umpisa na ng bakbakan sa lokal, sa Maynila ang usap-usapan, wala na — tapos na ang eleksiyon, at kahit ano pang propaganda, uulitin ng pitak na ito, kahit anong paninira, pabida o pagbibigay ng ayuda, mga pangakong ibibigay ang langit at lupa, nakatatak na puso at isip ng mga Batang Maynila ang pangalang “Yorme.”

Opo, sure winner na si Isko Moreno, babalik na siya Manila City Hall. Ika nga ng mga nakatatanda, naitadhana na ang dramatikong pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng siyudad.

Ultimo sa mga survey, iisa ang sinasabi: runaway winner si Isko — hindi lang sa Maynila, kungdi maging sa ibang LGUs, pati ang traditional at social media.



Naalaala kasi ng mga Manilenyo ang maraming kamangha-manghang ginawa ng basurero-kargador, artista-matinee idol upang maiahon ang sarili sa kadukhaan, manapa, naisalba at naibalik ni Yorme Isko ang dating sigla, kasayahan at dangal ng Maynila noong 2019-2022!

Kahanga-hanga ang ginawa ni Yorme Isko noong panahon ng pandemyang COVID, imbes na pumilay sa trabaho, nakahanap siya agad ng solusyon para may hanapbuhay at kabuhayan ang mga Batang Maynila.

Bilis-kilos agad sa pag-aangkat ng mga gamot, bakuna laban sa pandemya, naitaas ang kalidad at serbisyo sa mga ospital, at napatunayan ni Kois ang malasakit sa kapwa Pinoy.

Kung ang ibang LGU ay di alam kung paano isasalba ang kabuhayan, nakita sa Maynila ang todong infra projects: mura at modernong bahay sa mahihirap; serbisyong medikal, gamot at kalinga kahit hindi residente ng lungsod.

Oportunidad sa trabaho, ibinigay ng aksiyong mabilis kasi lagi nang may bagong proyekto, programa at solusyon si Yorme Isko sa mga problema ng siyudad.



Sa pahayagan, brodkast sa radio at television, at sa social media, sinasabi na ang ginawa ni Yorme ay naging modelo at huwaran ng ibang lokalidad sa bansa.

Sabi nga, kung nasaan ang Maynila, nakasunod ang ibang LGUs, at gawa ito ng maagap at maliksing kilos ni Isko.

Sa mga survey ay consistent na topnotcher si Yorme Isko kaya yung sinasabi na “manipulated” daw ang survey na nagtatakdang sure winner si Kois ay pawang mga kasinulingan ang mga ito dahil sa mga ginawang random survey, iisa ang sinasabi, runaway winner si Yorme Isko.

Eto pa, sa kalye survey, ang sigaw ng pagbabalik ni Isko ay alingawngaw ng pulso ng taumbayan.

Maski ang supporter ng mga katunggali ni Yorme ay nakadarama ng lungkot sa nakaiiyak na pulso ng mga botante.

Biruin nyo dear readers, sa SWS, Pulse Asia, OCTA Research, at sa PhilDATA Trends, mas prefer nila si Isko, at pag tinatanong, bakit si Yorme ang gusto nila, ano ang maririnig na sagot: Parang wala raw gobyerno sa Maynila na ang simpleng problema sa basura ay hindi maiayos.

Amoy ihi, ebak ang Liwasan; magulo ang trapik, at ang krimen ay tumataas, at ang kabuhayan, infra projects na ipinangakong itutuloy, walang maililista na gaanong nagawa ang kasalukuyang gobyerno ni Mayora Honey Lacuna.
***
Sabik na sabik na ang mga Batang Maynila na maibalik ng masigla, ang kasigasig at dinamikong sigla at kisig ng lideratong natikman nila noong si Yorme Isko ang alkalde ng Maynila.

Kunektado kasi sa puso ng maraming kapos sa buhay ang kwento ng buhay ni Isko, at ang buhay ng tagumpay niya ay isang inspirasyon ng maraming kabataan na makita ang sarili — na kahit paano, sila ay maging katulad ni Yorme.

Mula sa dusa ng kahirapan, nakamit ang alwan sa pamumuhay bunga ng tiyaga, pagsisikap at pagtitiwala sa sarili, at ang pananalig sa magagawa ng Amang Diyos.
***
Dismayado, inis at galit ang Manilenyo.

Bakit marumi ang lungsod, bakit walang bagong proyekto at programa, bakit wala ang ipinangakong mahusay na liderato na ipinangakong susundan ang mga yapak ni Yorme Isko.

Ang gobyerno ay parang maysakit at walang vision at aksiyon, sino ang hindi mabubuwisit, tapos naiisip ng Manilenyo, bakit hindi ibalik ang bilis kilos na gobyerno ni Yorme Isko?
***
Ilang tulog na lang mga Batang Maynila: Babalik na si Isko, at muling sisigla, muling maibabalik ang glorya ng Maynila.

Sabi nga ni Yorme Isko, nagawa na niya ang maibalik ang dangal ng Maynila, “Magagawa uli namin, at mas maganda pa!”

Lalo na at kaysisigla ng Yorme’s Choice at kapartner ni Isko sa pagbabalik ng dangal ng Maynila ay ang vice mayor niyang si Chi Atienza.

Aariba na uli ang Maynila, asahan na ito, tiyak na mangyayari, magaganap, konting tiis na lamang, konting paghihintay na lamang: Isko sure winner na!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.