Advertisers
Nadakip ang isang da-ting pulis na itinuturing na masrtermind sa pagpatay sa 2024 Mutya ng Pilipinas-Pampanga candidate na Geneva Lopez at boyfriend nitong Israel National Yitshak Cohen makalipas ang 8 buwang pagtatago sa Santa Ignacia,Tarlac .
Kinilala ang nadakip na si Michael Angelo Guiang y Barrento, ex-policeman, 32-anyos, ng Purok 4, Brgy. San Francisco, Santa Ignacia, Tarlac.
Sa report, 6:00 ng gabi nang maaresto ng pinagsanib na elemento ng Santa Ignacia MPS, Provincial Intelligence Unit Tarlac PPO at 2nd Provincial Moblie Force Company Tarlac PPO ang suspek sa Brgy. San Francisco, Sta Ignacia, Tarlac.
Inaresto si Guiang sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na ipinalabas ni Hon. Sarah Bacolod Vedaña-Delos Santos, Presiding Judge, Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 109, Capas, Tarlac nitong March 10, 2025. Walang itinakdang pi-yansang inirekomenda ang korte para sa pangsamantalang kalayayaan ng suspek na nasa kustodya ng Sta Ignacia Municipal Police Station.
Si Guiang ang ‘di umano mastermind sa pagpatay kay Lopez at boyfriend nito si Cohen na huling nakitang kasama ng mga biktima nang magtu-ngo ang mga ito sa Capas Tarlac kaugnay ng transaksyon sa Lupa.
Natagpuan ang sunog na kulay gray na Nissan Terra na sasakyan ng mga biktima sa Capas San Jose Road sa Brgy. Cristo Rey Caps Tarlac noong June 22,2024 ng umaga.
Natagpuan ang labi ng mga biktima sa isang quarry site sa Brgy. Sata Lucia, Capas Tarlac noong July 6,2024.
Nabatid na ang motibo ng krimen ang hindi nabayaran utang ng ni Guiang kay Lopez.
Unang nadakip ng mga otoridad ng mga otoridad tatlong pang mga suspek na nakilalang sina Rommel Abuzo, Ex –Police man, Jeffrey Santos, at Jay Tacubansa
Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa ng mga otoridad ang isa pang suspek na nagtatago.
(Mark Obleada)