Advertisers

Advertisers

‘TRUTH COMMISSION’

0 40

Advertisers

SADYANG nakababahala ang sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na walang anumang police report ang 95% ng EJKs na nangyari kaugnay sa madugo pero palpak na giyera kontra droga ni Gongdi. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi masiyasat ng sapat ang mga EJKs. Hindi ganap na matukoy kung saan mag-uumpisa sa anumang pagsisiyat.

Ito rin ung dahilan kung bakit marapat lang na sa ICC dumulog ang mga nagsampa ng reklamo laban kay Gongdi. Walang sapat na batayan upang kasuhan si Gongdi sa lokal na husgado. Walang police report na magsisibing batayan sa habla kontra Gongdi. Ito ang dahilan kung bakit nagmungkahi si Boying ng pagtatayo ng ahensya ng pamahalaan na magsisilbing truth commission na tatalakay sa bawat EJK.

Hindi binigyan ng detalye ang panukalang truth commission, ngunit sa pananaw namin, marapat na itayo agad ito upang tulungan ang International Criminal Court (ICC) upang dalhin sa hustisya ang ibang personalidad na kasama ni Gongdi sa pumalpak na war on drugs. Hindi kakayanin ng ICC ang ito lang ang tanging ahensya na mangangasiwa sa mga akusado. Kailangan din ng ibang sanay ng hustisya at kabilang dito ang mga lokal na hukuman.



ISA sa tatlong panauhin noong Sabado sa Saturday News Forum si Kin. Jude Acidre ng Tingog Party List. Si Acidre ang kasalukuyang hepe ng maaasahang Committee on OFWs ng Camara de Representante, ngunit hindi siya nagsalita tungkol sa kanyang komite. Mas binigyan niya ng pansin ang usapin ng fake news at tinalakay niya ang mga panukalang kaisipan upang isabatas ang regulasyon sa mga dumadaloy sa social media.

Aminado si Acidre na lumubha ang isyu ng fake news ng dakpin si Gongdi at dalhin at ikulong sa The Hague. Biglang nagsulputan ang mga vlogger ni Gongdi at nagkalat ng mga maling impormasyon at fake news. Ito ang dahilan kung bakit pinulong ang Tricom at magdaos ng public hearing. Pangunahing layunin ang gumawa ng bagong batas tungkol sa fake news.

Masipag si Acidre at totoong pinag-aralan ang isyu. Marami siyang ibinahaging kaisipan sa media forum. May pupuntahan si Acidre bilang mambabatas. Mas mahusay pa siya sa mga senador na nagpapanggap na may alam sa isyu, ngunit wala naman. Sana palarin si Acidre sa kanyang political career dahil sa bukod sa dalisay ang puso, may angking talino at punyagi siya.

***

PUMUPUTOK ang aming butsi nang mabasa namin ang balitang ito. Sa aming palagay, naging kasangkapan na ng Tsina ang mga vlogger na kampi kay Gongdi.



Ex-PCO chief umamin: China pinondohan seminar ng pro-Duterte abroad. Gobyerno ng Tsina ang gumastos sa mga vlogger at social media influencer, karamihan ay pro-Duterte, na dumalo sa isang seminar sa China. Ito ang inamin ni dating PCO Sec. Trixie Cruz-Angeles sa pagdinig ng Kamara noong Biyernes ukol sa fake news at online disinformation.

Sa pagdinig, tinanong ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez si Cruz-Angeles tungkol sa National Radio and Television Administration (NRTA) ng China at ang papel nito sa pagsasanay ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa. Ipinakita ni Suarez ang isang larawan ng mga dumalo sa NRTA seminar, kung saan kasama si Cruz-Angeles at iba pang vloggers na pro-Duterte. “You are fully aware that they do conduct training programs for media practitioners mula sa iba’t-ibang bansa?” tanong ni Suarez.

Kinumpirma ni Cruz-Angeles na alam niya ang mga ganitong programa at inamin na isa siya sa mga inimbitahan. Pinangalanan niya ang ilan sa mga kapwa niyang dumalo sa seminar, na ginanap mula Mayo 23 hanggang Hunyo 5, 2023, sa China. “Myself, Pia Morato, Tio Moreno – who was there as a journalist and I think an information officer – Mr. Mark Lopez and Attorney Ahmed Paglinawan,” sabi niya, dagdag pa na hindi niya matandaan ang ibang pangalan.

Nang tanungin ni Suarez kung sino ang nag-pondo ng biyahe, inamin ni Cruz-Angeles na ang seminar ay “sponsored,” kung saan sinagot ng gobyernong Tsino ang pamasahe, tirahan, at gastos sa seminar. “Yes, sir,” sagot niya nang tanungin kung China nga ang nagbayad sa lahat.

Ibinunyag din ng dating PCO chief na nagmula mismo sa Chinese Embassy ang imbitasyon, na regular umanong pumipili ng mga kalahok para sa ganitong mga programa.

“They conduct these regularly, I understand,” aniya, dagdag pa na may mga iniimbitahan ding mamamahayag mula sa mainstream media sa ibang pagkakataon. Binigyang-diin ni Suarez na ang programa ay isang “state-funded activity” ng China na may layuning sanayin ang mga mamamahayag, kabilang ang mga vlogger. Kinilala naman ni Cruz-Angeles na ipinakilala sa kanila ang mga bagong uso sa social media sa seminar. “They introduced new techniques in social media such as short-form videos, how to take them and other technical aspects. They also gave a background on China,” paliwanag niya.

***

Email:bootsfra@gmail.com