Advertisers

Advertisers

APAT NA LAW EXPERTS SINABING LEGAL ANG PAGDAKIP KAY DATING PANGULONG DUTERTE

0 44

Advertisers

IISA ang posisyon ng apat na Filipino legal experts hinggil sa utos ng International Criminal Court’s (ICC) na arestoiuhin si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa kinakaharap niyang kasong may kaugnayan sa crimes against humanity.’

Ayon sa apat na kilalang mga legal experts na sina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ICT Senior Associate Ruben Caranza, dating ICC judge Raul Pangalangan, at rights lawyer Ted Te, “legal” at “warranted” ang pag-aresto sa dating pangulo.

Anila, ang gobyerno ng Pilipinas ay sumnod lamang sa proseso sa ilalim ng Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.”



Ang pagdakip anila kay Duterte ay salig sa Article 17 ng Rome Statute, kung saan ang Pilipinas ay pinapayagan na direktang isuko ang isang indibudwal sa ICC dahil sa pagkakasankot sa international crimes.

Nagtataka rin ang mga legal expert sa pagpupumilit ng mga kaalyado at tagasuporta ng dating pangulo na ilegal ang pagkaka-aresto dito at pagdadala sa knaiya sa The Hague.

Samantala si Atty. Joel Butuyan, na isa sa mga abogado na kinikilala ng ICC, ay suportado din ang naging proiseso ng pag-aresto kay Duterte at sinabing lehitimo ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas kahit pa nag-withdraw na noon ang bansa ng ICC membership.

Ayon kay Butuyan ang ICC ay ginagarantyahan ng Rome Statute.

Sa ilalim anila ng Article 59 ng Rome Statute, na ang proseso ng pag-aresto ay hindi kinakailangan ng consent mula sa domestic judicial body basta’t beripikado ang pagkakakilanlan ng akusado at napoprotektahan ang karapatan nito.



“It is not necessary to go through a domestic judicial authority, provided that the core elements of Article 59 are met, specifically the identification of the accused and the respect for their rights,” paliwanag ni Butuyan.

Ayon kay Butuyan, noong inaresto si Duterte ay naipaliwanag sa kaniya ang kaniyang karapatan at naroroon din naman ang kaniyang abogado.

“There is no requirement to present a physical warrant of arrest at the moment of arrest, as long as there is a valid warrant in existence, an arrest can be made,” dagdag pa ni Butuyan.

Sinabi ni Butuyan na hindi rin inoobliga ng ICC ang pagkakaroon ng physical warrants kapag ginagawa ang pag-aresto lalo at ang institusyon ay gumagamit ng electronic documentation, kahit sa panahon ng paglilitis at proceedings.