Advertisers
LAHATIN na natin ang mga daungan pantalan o pier sa buong bansa ang Batangas Port ang pinaka isrektong nagpapatupad ng pinakamahigpit na seguridad bago ka makapasok sa loob ng naturang daungan.
Isang malaking katanungan na naglalaro sa isip ko kung paano nakalusot ang P816-milyon halaga ng shabu na naharang ng Calapan Port nitong biyernes ng umaga Marso 21.
Patuloy na iniimbestigahan ngayon kung paanong nakalusot Batangas PNP, Philippine Port Authority, Batangas Port Police, Philippine Coast Guard, PDEA, K9, at Bureau of Customs (BOC) ang P816-Milyon halaga ng shabu na nakumpiska sa loob ng isang Toyota Camry ang dalawang maleta, limang handheld bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, 120 pakete ng illegal na droga na tinatayang nasa 120 kilo at 6,800 kada gramo na may kabuuang halaga na P816-milyon sa Calapan Port. Oriental Mindoro.
Hindi dapat matakpan ng bangayang Duterte-Marcos ang isyu kung paano ito nakalusot sa Batangas Port. Hindi rin dapat ilihis sa kontrobersyag VP Sara Duterte impeachment at pagkakaaresto ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang ipinuslit na milyong halaga ng shabu.
Dapat magpaliwanag dito ang pamunuan BOC, PCG, Batangas PNP, K9, Batangas Port Police, Batangas Port Authority kung bakit nangyari ito. Kung bakit nakalusot sa pagsisiyasat o pagsusuri ng kanilang ahensya at naibiyahe patungo sa Calapan City ang droga.
Sino ang nagpadala? Sino ang tatanggap o kanino nakapangalan ang shipment na shabu?
Sino ang mga nagproseso para makapasok sa Batangas Pier ang smuggled shabu? Kaya maraming dapat ipaliwanag ang mga nabanggit na ahensya.
Kung naikalat ang bultu-bultong shabu ay maraming buhay ang sisirain nito. Kung ang ganito ka-sensitibong shipment ay nagawang mailusot hindi na rin tayo magtataka kung may iba pang mga kontrabando na nailulusot sa Batangas Port.
Magkakaroon kaya ng pagdinig ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa pamamagitan ng House committee on dangerous drugs, ukol dito, at inaasahang malilinawan ang mga katanungan sa likod ng naipuslit na shabu.
Dapat mapanagot kung sino ang may kasalanan sa pagkakalusot nito sa Batangas Port.
Mabuti nalang at alisto ang Mindoro Police, PDEA, PCG, K9, at Calapan Port kaya nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P816 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Calapan Pier Exit sa Barangay San Antonio, Calapan, Oriental Mindoro.
Naaresto nila ang isang high-value individual na si Christopher Eropio Malco, 43-anyos na isang drayber at residente ng Barangay Polo Maistralita, Iloilo City sa isinagawang K9 inspection ng mga awtoridad alas-8 ng umaga nitong biyernes.
Ayon kay Police Brigadier General Roger Quesada Director, PRO 4-B, kabilang ang suspek sa Regional Priority Target list ng mga awtoridad.
Ang joint operation ay pinangunahan ng mga tauhan ng MIMAROPA PNP, kasama ang PDEA 4B, Philippine Coast Guard, at Philippine Ports Authority.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Toyota Camry, dalawang maleta, limang handheld bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, 120 pakete ng illegal na droga na tinatayang nasa 120 kilo at 6,800 kada gramo at may kabuuang halaga na P816 million
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Mabuhay ang MIMAROPA PNP, Gen. Quesada Sir, dalawang kamay ko sumasaludo sa inyo!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.