Advertisers

Advertisers

ALYANSA SENATORIAL CANDIDATES, MAGANDA ANG TRACK RECORD

0 16

Advertisers

BUO ang tiwala ng mga senatorial candidates sa ilalim ng partidong Alyansa para sa Bagong Pilipinas na hindi sila maaapektuhan ng isyu ng pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil lahat aniya sa mga tumatakbo sa kanilang piket ay may matitibay ng track record na nagawa para sa bayan.

Sa press conference na isinagawa kamakalawa sa kapitolyo sa Trece Martires City sa Cavite, sinabi nilang kumpiyansa sila na mas marami na ang mga matatalinong botante ngayon na mas papanigan ang mga nagawa nila sa bayan at ang kanilang mga plataporma.



“Kung apektado kami sa isyu kay FPRRD, no, not at all.” matapang na pahayag ni senatorial candidate Ping Lacson.

Dagdag pa nito, nanawagan din sila sa publiko na suriin at usisain ang kanilang mga track record at ang mga isinususog na kani-kaniyang plataporma na malaki ang magiging pakinabang ng mga mas nakararaming Pilipino.

Bukod sa mga senatoriables, dumating din si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na nanawagan ng pagkakaisa at huwag gumawa ng kaguluhan para sa kapayapaan at ikauunlad ng bansa. IRINE GASCON

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">