Advertisers

Advertisers

ABALOS, DISMAYADO SA DESISYON NG TIMOR-LESTE UKOL KAY TEVES

0 37

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Alyansa para sa Makabagong Pilipinas Senatorial candidate Benhur Abalos sa desisyon ng Timor-Leste na huwag ipa-extradite si dating Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. pabalik sa Pilipinas. 

Sa press conference na isinagawa kamakalawa sa Trece Martires City, Cavite, sinabi ni Abalos na kailangang gawin ng ating gobyerno ang lahat para mapauwi sa bansa si Teves upang kaharapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.



“We are frustrated by what happened in Timor-Leste, but we must never give up. I-source natin lahat ng legal remedies that indeed  Arnie Teves must be brought back home to face justice here in our country” ani Abalos.

Ayon pa kay Abalos, ang hindi pagpapabalik kay Teves ay nagpapakita ng kawalan ng katarungan, lalo na para sa mga pamilya ng mga biktima ng karahasan, tulad ng nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong 2023.

Noong nakaraang taon, na-aresto si Teves sa Timor-Leste matapos ma-issue ang Interpol red notice laban sa kanya kaugnay pa rin sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong 2023. Noong Hunyo 2024, ipinahayag ng Department of Justice (DOJ) na aprubado na ang pagpapadala kay Teves pabalik sa Pilipinas, ngunit kamakailan lang ay binaligtad ng Timorese Court of Appeals ang kanilang desisyon.

Buo ang tiwalang hindi maaapektuhan sa isyu ng pag-aresto sa dating pangulo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">