Konsi Bong Marzan nanawagan sa publiko na samantalahin ang libreng anti-rabbies vax sa mga alagang hayup
Advertisers
DAHIL ginugunita ngayong buwan ng Marso ang ‘Rabies Awareness Month,’ ay nanawagan si Konsi Bong Marzan na Chairman din ng Brgy.497 sa publiko at sa kanyang kapwa mga Punong Barangay sa District IV na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na may alagang ‘fur babies’ na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination na regular na ibinibigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa maraming lugar.
Sinabi ni Marzan na Asenso Manileño candidate sa District IV na ang lokal na pamahalaan ay may vaccination program para sa mga alagang aso at pusa na ginagawa mismo sa City Hall ng Manila Health Department (MHD) na pinamumunuan ni Dr. Arnold Pangan.
Nabatid pa kay Marzan na regular din ang pagbibigay ng libreng bakuna o anti-rabbies vaccine tuwing may ‘Kalinga sa Maynila’ na umiikot sa mga barangay kung saan pwedeng dalhin ang kanilang alaga at hindi na kailangan pang magtungo sa Manila City Hall.
Sinabi pa ng Marzan na Direktor din ng Liga ng Barangay na ang lungsod ay may iba’t-ibang uri ng animal bite treatment na libre ding ibinibigay sa animal bite clinic ng City Hall, Animal Clinic sa Dapitan Sports Complex, Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Director Dr. Grace Padilla at mga piling health centers na pinatatakbo ng MHD.
Layunin ng ‘Rabbies Awareness Month” na magkaroon ng programa na makakatulong ‘di lamang sa pagbibigay kaligtasan sa mga alagang hayup kundi sa lahat ng miyembo ng komunidad.
Iginiit ni Marzan ang kahalagahan ng pagbabakuna ng anti-rabies sa mga alagang hayup dahil ito ay naisasalin mula hayup hanggang sa tao ay maaaring nagdulot ng kamatayan.
Ang mga alagang hayup na nabakunahan na ay nagkakaroon ng proteksyon, malusog, at mas aktibo, sabi pa ni Marzan.
Samantala ay nagpahatid ng kanyang pasasalamat ang isang fire vounteer na nagngangalang Carl Alvina, residente ng Dimasalang St. sa ginawang tulong ni Konsi Bong Marzan na siyang dahilan upang nakalabas mula sa isang probadong pagamutan ang kanyang asawang si Jossette Kate Rogato at ang bagong silang na sanggol nito.
Sinabi pa ng fire volunteer na kung ‘di dahil sa ibonigay na halaga ni Marzan ay ‘di pa sila makakalabas ng ospital. (ANDI GARCIA)