Advertisers

Advertisers

VP Sara aminado…ISINAMPANG KASO LABAN SA AMA, MABIGAT!

0 16

Advertisers

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na isang “serious accusation” o mabigat na akusasyon ang “crimes against humanity” na isinampa laban sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa online press briefing na isinagawa ni VP Sara, tinanong niya kung nasaan na ang sinasabing libu-libong namatay dahil sa drug on war campaign noong nakaraang administrasyon.

Sinabi pa ng Bise Presidente, hindi man lang nga umabot sa isandaan ang ipinrisintang bilang ng kaso ng pagpatay ng international criminal court sa dating pangulo.



Dagdag pa ni VP Sara na bilang isang Pilipino ay nahihiya siya dahil tila nagiging katatawanan ang Pilipinas sa buong mundo.