Advertisers

Advertisers

Marcos admin officials itinangging isinuko sa ICC si Duterte

0 11

Advertisers

MULING itinanggi ng ilan sa mga matataas na miyembro ng gabinete na hindi kailanman nakipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa International Criminal Court sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa pagharap ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations nitong Huwebes, nanindigan ang kalihim na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas bilang isang sovereign state.

Ayon kay Remulla, sa kabila nito ay mayroon namang hurisdiksyon ang ICC sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso na pasok sa International Humanitarian Law.



Ibig sabihin, may obligasyon ang Pilipinas na tumalima sa sa ilalim ng International Humanitarian Law upang isuko ang indibidwal na akusado.

Partikular din na tinukoy ng kalihim ang pagsunod ng gobyerno sa Republic Act 9851 kung saan ay sinasabi ng batas na ito na kailangang iharap ang isang akusado sa International Tribunal para litisin.

Maging si Defense Secretary Gibo Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año ay iginiit na hindi sila nakipagtulungan o umasiste man lamang sa isinasagawang imbestigasyon ng International Court.

Mariing pinabulaanan din ni Remulla na walang grand conspiracy sa pag-aresto kay FPRRD sa kabila ng kanyang naging unang pahayag sa isang interview na isang buong team ang kasama nila sa pagpaplano.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">