Advertisers
HINILING ni Sagip Representative Rodante Marcoleta nitong Biyernes sa House Tri-Committee na ipatawag ang isang vlogger na tinawag siyang demonyo.
Ipinakita sa video sa panahon ng pagdinig ang vlogger, na kinilala bilang si Epifanio Labrador, na minumura si Marcoleta at tinawag na “diablo.”
“Itong si Marcoleta ay ta-lagang demonyo din na katulad ni [Pastor Apollo] Quiboloy…Diablo din tulad ni Quiboloy,” Labrador said.
Binatikos ni Labrador sa publiko si Marcoleta sa pag-endorso sa senatorial bid ni Quiboloy, tagapag-tatag ng Kingdom of Jesus Christ religious group sa Davao City, sa kabila ng mga akusasyon na ang huli ay isang “rapist”.
Si Quiboloy ay inaresto at ikinulong nitong nakaraang taon dahil sa mga kasong ‘human trafficking’ at ‘rape’.
Sina Quiboloy at Marcoleta ay parehong nasa PDP-Laban senatorial slate sa May 2025 midterm elections.
Sinabi ni Marcoleta, miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC), dapat ipatawag ng komite ang vlogger para tugunan ang mga ganitong uri ng maling salaysay.
“Pati ako pinagmumura niya, tinawag niya akong demonyo pero hindi po ako kumikibo…Dapat ipatawag natin,” sabi niya.
“Kahit ano pang sabihin nila, I will just stay as I am, as transparent and accountable as I am. Darating din ang panahon na these people will be rendered useless at walang maniniwala sa kanila.”
Iniimbestigahan ng House Tri Committee ang paglaganap ng fake news sa social media.
Sa survey ng Social Weather Stations, ipinakita ng 59 porsiyento ng Pilipino ang itinuturing na seryosong isyu ang pagkalat ng fake news sa social media, habang 20 porsiyento ang nag-iisip na hindi ito seryoso.
Karamihan sa mga Pilipino ay nagsasabing ‘malubhang’ problema ang ‘fake news’ sa internet — SWS
Nauna nang sinabi ng komite na 11 social media personalities at vloggers ang maaaring maharap sa contempt at detention kung patuloy nilang laktawan ang pagsisiyasat nito sa disinformation.
Kabilang sa mga maaring maharap sa contempt at detention ay sina dating Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Marie Badoy-Partosa Aeron Peña, at Allan Troy “Sass” Rogando Sasot.