Aabutin ng 2040 bago mabayaran ng buo ang iniwang P17.8B utang ni Isko sa Maynila
Advertisers
AABUTIN pa ng taong 2040 bago manayaran ng Maynila ng buo ang iniwang utang na P17.8 ex-Mayor Isko Moreno.
Ito ang napag-alaman kay Manila Mayor Honey Lacuna, mula sa computations na ginawa ng city treasurer’s office kung saan nagawa ng makapagbayad ang city government na mahigit P3.2 billion, simula ng manungkulan siya bilang alkalde noong 2022.
Sa kasalukuyan, ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay magbabayad ng P200 million kada buwan sa mga bangko kung saan inutang ni Moreno ang P17.8 billion.
Ang P200 million na buwanang bayad o hulog sa utang, ikinalulungkot mang sabihin ng alkalde ay mas dapat sanang pakinabangan sa pamamagitan ng pagtataas ng allowances ng senior citizens, persons with disability, solo parents at university students, na tinutulungan ng lungsod sa pamamagitan ng social amelioration program na nakasaad sa ordinansang ipinasa ng Manila City Council nang si Lacuna pa ang Presiding Officer.
Sinabi ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay walang ibang magagawa kundi igalang ang obligasyon sa dalawang bangko na nagpautang, ito ay sa kabila ng katotohanan na dahil sa utang na ito ay napagkaitan ang mga residente ng mas maraming libreng serbisyo medikal at programang pang-edukasyon.
Dahil sa epektibong fiscal management na pinaiiral ng alkalde ang kanyang administrasyon sa kabilang ng patuloy na pagbabayad sa inutang ni Moreno ay nakakapagpatupad pa ng mga programa na pinakikinabangan ng mga sektor na higit na nangangailangan.
Kabilang dito ang pagdoble ng allowance ng senior citizens mula P500 hanggang P1,000 kada buwan; pagkakaloob ng graduation cash gift para sa college students; pagtatayo ng mga bagong school buildings at health centers; financial assistance para sa mga cancer and dialysis patients at affordable housing para sa legitimate Manila residents.
“Ginagawa natin ang lahat para tiyaking ang kaban ng Maynila ay napupunta kung saan ito nararapat—hindi sa bulsa ng iilan, kundi sa kapakanan ng lahat,” giit ng alkalde. (ANDI GARCIA)