Advertisers
ITO ang pag-amin mismo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa pagkaaresto sa kanyang ama ng International Police at iniharap sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Say ni Sara: “Move on na tayo, hindi na makakabalik si FPRRD sa Pilipinas.”
Si Digong ay naaresto ng ICC Marso 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) paglapag niya galing Hong Kong Martes ng umaga. Kinagabihan ay inilipad ang dating pangulo sa The Hague kungsaan naka-base ang ICC.
Ayon sa mga ulat, nagpunta si Digong sa Hong Kong Marso 8 para raw mag-aplay sana ng asylum, matapos matunugan na maglalabas na ng arrest warrant ang ICC.
Pero tinanggihan daw ng Hong Kong ang hirit ni Digong. At pagbalik nga niya ng Pinas ay dinampot na siya ng Interpol sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).
Iginiit ng pamilya at mga kaalyado ni Digong na iligal ang pagka-aresto sa dating pangulo ng bansa. Dapat daw ay idinaan muna ito sa local court bago inilipat sa The Hague. At wala raw arrest warrant o ‘di original ang arrest warrant na ginamit sa pag-aresto kay Digong. Nagrali pa ang mga pro-Duterte. At bumaha ang mga pekeng balita at larawan sa social media na malamang ay ipinakalat ng Duterte keyboard warriors. Pati ang hukom ng ICC ay ‘di nakaligtas sa mga atake ng Duterte trolls.
Ang mga abogado ay kanya-kanyang pasiklaban sa batas.
Ang mga senador na kaalyado ni Digong ay nakalimutan nang senador sila ng Pilipinas, mga taliwas na sa libro ang mga pinagsasabi. May nagpatawag pa ng Senate investigation… at the end wala ring puntos para maibalik sa Pinas si Digong.
Tama si VP Sara, hindi na nga maibabalik sa Pinas ang kanyang “Tatay”. Malamang ngang sa edad na 79 anyos ni Digong ay baka doon na ito mag-expire. Tsk tsk tsk…
Ayon sa ICC lawyers, ang pinakamabilis na paglilitis sa kaso ni Digong ay dalawang taon. Pero mostly daw ay aabot ng hanggang 9 years. Araguy!!!
Kapag nahatulan naman ng ‘guilty’ si Digong, mababa na raw ang 30 years! Sa edad niya ngayon, matapos kaya niyang buhay ang ganito kahabang sentensiya?
Pero ayon sa lead defense counsel ni Digong na si Nicholas Kaufman, isang British-Israeli, na malawak ang karanasan sa mga kaso ng ICC, malakas ang depensa nila para mabasura kaagad ang kaso ni Digong. Yahoo!!! Palakpakan ang mga DDS.
Sa ganang akin naman, binobola o pinalalakas lang ni Kaufman ang loob ni Digong.
Baka nga ubusin pa nitong si Kaufman ang kayamanan ni Digong eh, tapos mahahatulan lang ng guilty ang dating pangulo. Araguy!!!
***
Sabi ng Malakanyang, kasalanan ni Digong ang pagkakaaresto sa kanya ng ICC. Kasi nga paulit-ulit niyang pinagmumura at hinahamon ang ICC na arestuhin na siya bago pa siya matigok.
At naglabas na nga ng order ang ICC sa Interpol na arestuhin si Digong. At napakadali ng pagka-aresto sa kanya, hindi katulad ng pagkadakip sa kanyang amigong “Son of God’ na si Apollo Quiboloy na pahirapan.
Anyway, balikan natin ang pahayag ni VP Sara: “Tangapin nang hindi na makakabalik sa Pilipinas si FPRRD.”
Move on na raw. Okey!!!