Advertisers

Advertisers

WAG GAMITING PANAKOT ANG INYONG LINGKOD!

0 30

Advertisers

Matapos natin bigyan ng pansin ang buong Region 3 na sakop ni PNP Spokesperson and Regional Director PBGen. Jean Fajardo sa mga illegal vices, tulad ng mga paihi at mga sugalan na kagaya ng saklaan, saklang patay, sabong at pergalan na may bentahan ng droga sa buong rehiyon ay isang impormasyon naman ang tinanggap ng inyong lingkod.

Meron daw isang tao na gumagamit ng pangalan ng inyong lingkod para ipangolekta sa lahat ng aking nasagasaan sa mga illegal na sugalan lalo sa Probinsya ng Tarlac.

Isang alyas Jeff Taba ang sinasabing itinatara ang inyong lingkod sa mga sugalan gaya ng saklaan nila Ricky, Jerome at Eugene sa Lalawigan ng Tarlac na hinihingian nya ang mga ito ng 1libo hanggang 5libong piso ang bawat pwesto…



Tsk…tsk…tsk…matinik at matulis din pala itong ungas na ito para kaladkarin ang pangalan ng inyong lingkod at ng ilang mga media personalities, na sinasabing kapag hindi nagbigay ay aming ilalabas ang mga illegal na sugalan sa probinsya ng Tarlac…

Alam daw nitong ungas na ito ang mga pasikot sikot sa buong lalawigan ng Tarlac at may nakapagsabi sa atin na hindi lang pala Tarlac ang nararating ng ungas na ito kung di buong region 3 at ilang pang kalapit probinsya ng region1 at region 4A…

Tsk…tsk…tsk…walastik din naman ang raket nitong ungas na ito na gumagamit ng ilang media peronalities para lamang gamitin panakot sa mga illegal na sugalan at kanya na itong hihingian…

Nais lamang po naming linawin na wala pong inuutusan ang inyong lingkod para mangolekta ng kung ano man sa mga illegal na aming nasasagasaan.

Ang aming hangarin ay tulungan ang ating pamahalaan at mga kapulisan na linisin at alisin ang mga illegal na pasugalan sa kanilang mga nasasakupan.



Kaya kung sino man po ang gumagamit sa pangalan ng inyong lingkod, nagpakilala mang BATA KO, KAMAG-ANAK, o KAIBIGAN ay inyong ipahuli agad sa pulis na nakakasakop at ipagbigay alam agad sa inyong lingkod ng sa ganun ay kasama nyo akong babatok sa mga ungas na ito…

Hindi lang din mga media personalities ang pinangongolekta ng tarantadong ito, meron din umanong dalang unit na pinagmamalaki ang ungas na ito mula sa isang departamento sa gobyerno kahit itanong nyo pa kay ROCKY.

May kasunod…

Abangan…

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com