Advertisers
HANGO ito sa story ng “The Boy who Cried Wolf.”
Ang sabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte “I did what I had to do. And whether you believe it or not, I did it for my country. The war on illegal drugs is not about killing people, it is about protecting the innocent and the defenseless.”
Kung totoo man ang sinasabi mo, pero sino pa kaya ang maniniwala sa ‘yo?
Sinanay mo ang publiko sa mga joke, joke mo, ngayon gusto mong maniwala kami syo?
Maituturing na isang tagumpay ang pagka-aresto sa dating pangulo dahil nagkaroon ng malaking pag-asa ang mga pamilya ng libu-libong naging biktma ng kanyang war-on-drugs.
Unang bahagi pa lamang ito ng kanilang tagumpay subalit mababanaag na sa kanilang mukha ang kasiyahan dahil haharap sa paglilitis ang berdugo ng war-on-drugs.
Maraming mga taga-suporta ang nalulungkot ngayon sa sinapit ng kanilang ini-idolo. Pero hindi nila alintana ang dalamhati ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kalupitan ng nagpasimuno ng war-on-drugs.
Bukod sa isyu ng war-on-drugs, balikan natin ang ilan sa mga diskarteng pilipit ng nakaraang administrasyon na medyo nagpagulo sa ating bansa.
Nanawagan noon si Duterte ng withdrawal of support ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maisalba raw ang bansa sa sinasabing “fractured government” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pero matapang na binuwelatahan ito ng mga miyembro ng Young Guns sa House of Representatives.
Ang sabi ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega, tatlong bases na itong ipinanawagan ng dating pangulo subalit hindi naman ito pinakinggan ng pamunuan ng AFP.
Hindi na dapat bigyan ng pansin ang pahayag ni Duterte dahil nanatiling tapat at sumusunod sa konstitusyon ang militar, sabi naman ni 1-rider partylist Rep. Rouge Gutierrez.
Para kay Zambales Rep. Jefferson Khonghun, isang diversionary tactics ang ginagawa ng dating pangulo para ilihis ang totoong isyu ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte kaugnay sa hindi maipaliwanag na paggastos sa confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Naniniwala si House Assistant Majority Leader at AkoBicol Rep.Jill Bongalon na hindi akma sa dating pangulo na manawagan ng withdrawal of support ang militar sa kanilang commander-in-chief.
Ito ba ang sinasabi ng ilan sa kanyang mga alipores partikular na si Senador kuno Robin Padilla na nagsabing hindi magnanakaw ang mga Duterte, mabait at relihiyoso?
Eto pa isa.
Sa banta naman ni VP Sara na ipapapatay niya si Speaker Martin, uminit ang ulo ng mga waray sa walang ingat aksyon ng pangalawang pangulo.
Naglabas ng Joint Manifesto of Indignation ang 45 kongresista mula sa Eastern Visayas na ayon sa kanilang isang insulto ito sa mga Waray at kanilang mga lider.
Nakasaad sa manifesto, hindi ito makatwirang pag-atake at isang paghamak hindi lamang sa mga lider kundi maging sa dangal at dignidad ng mga Waray.
Kinondina rin ng mga lider ang bise presidente sa kawalang respeto nito hindi lamang kay Speaker Romualdez kundi maging kay Pangulong Marcos Jr., na mayroon ding dugong Waray.
Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo Espina Jr at Samar Reps. Reynolds Michael Tan at Stephen James Tan ang pagkondina sa nakatatakot na banta ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., first lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin.
Kinilala rin ng Eastern Visayas leaders ang nagawa nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos Jr na nakapagdala ng makahulugasg pagbabago sa bansa.
Nagmistula namang isang tuta ng China ang nakaraang administrasyon.
Kitang-kita ang pagtatanggol nito sa ginagawang bullying ng China sa ating mga mangingisda at sa Philippine coast Guard.
Ang paliwanag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, pinagtitibay nito ang sovereign rights and jurisdiction ng Pilipinas sa exclusive 200-mile economic zone ang arbitral ruling ng 135-member-state ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Tinuligsa ni Barbers, lead chairman ng House quad committee at head chairman ng House committee on dangerous drugs ang bullying tactics ng China at sa tangkang makialam nito sa mga batas at polisiya ng Pilipinas upang palakasin ang karapatan sa maritime zones.
Nais ng China na respetuhin ng Pilippinas ang kanilang pag-angkin sa West Philippines Sea, na wala naman silang historical and legal basis, patuloy na hindi nirerespeto ng China ang pag-angkin at posisyon ng Pilipinas sa mga bagay na ito.
Makaraan ang maraming insidente ng pambu-bully gamit ang water canons, pagbangga sa mga barko at pagkasugat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa WPS, sinabi ni Babrbers na sinusubukan ng China na tutulan, makialam, takutin at pahintuin tayo mula sa pagpapatibay at implementasyon ng batas at polisiya sa martime zones ng bansa.