Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISANG matagumpay na negosyante na nagmamay-ari ng St. Gerrard Construction at isang four- floor building sa Pasig, bakit naisipan ni Sarah Discaya o Ate Sarah na pasukin ang mundo ng pulitika?
“Actually I’ve been frequently asked that question, ‘Bakit ka tatakbo?’
“I think I can share my skills, my experiences bilang isang ina, isang negosyante, at isang asawa.
“Kasi siyempre not everything is by the book, minsan you need life experiences para maging isang magaling at magandang leader.”
Susubukan ni Ate Sarah ang kanyang kapalaran sa nalalapit na May 2025 elections bilang alkalde ng lungsod ng Pasig kung saan makakatunggali niya si incumbent Mayor Vico Sotto.
Suportado siya ng aktres at singer na si Ara Mina na tatakbo namang Konsehala sa 2nd District ng Pasig.
Samantala, narito ang buong pahayag ni Ate Sarah tungkol sa kanyang kandidatura bilang alkalde ng Pasig…
“Good afternoon!
It’s a great honor to share the same space, the same front with Ara Mina: isang Pasiguena na matagal nang advocate ng karapatan ng mga kababaihan, well-being ng mga kabataan at proteksyon ng disadvantaged sectors. Mahalaga po sa akin ang mga isyung ito. Kaya po noong magdesisyon akong pasukin ang labang ito, importante sa akin that I fight it side by side with Ara.
Para sa aming dalawa at sa mga kasama namin sa Team Kaya This, priority ang pamilyang Pasigueno. Una, para sa mga kababaihan, dapat may economic power ang mga babae. We will fund businesses na gustong simulan ng mga nanay-single, abandoned pati na yung nasa maayos namang family set-up pero kailangan talaga ng tulong. Bukod pa po iyan sa regular na ayuda. Bibigyan natin sila ng training sa pagnenegosyo at sa mga bagong skills na puwedeng pagkakitaan. We will do skills-matching, pero within Pasig muna para wag masyado malayo sa pamilya. Pangalawa, health care para sa lahat. In two years, we will be able to build a hospital to service Pasiguenos for free. Kaya pong itayo iyan at kaya pong pondohan iyan. May pera ba ang Pasig for this? Mayroon po. Bukod dito, magkakaroon po tayo ng geriatric hospitals at homes para sa seniors. Palalakasin natin ang maternity at pediatric care sa Pasig. Yung ospital na itatayo natin, may neo-natal ICU para hindi na tayo napupuwersang pumasok sa private hospitals at mahostage dahil walang pambayad.
Pangatlo, para sa PWD sector, bibigyan natin sila ng training and job opportunities. Popondohan natin ang mga negosyong gusto nilang pasukin. Syempre, iimprove natin ang access nila sa mga gusali at sa kalsada. Pang-apat, mahalaga sa amin ni Ara ang pangangalaga sa mga batang may special needs. Magkakaroon tayo ng special centers for them. Magtatayo din tayo ng special center for mental health care. Hindi po pang-mayaman lang ang mental health care. Lastly, at dito kami parehong excited ni Ara: ito pong Smart City na plano ng Team Kaya This. Ang purpose po nito ay para masigurong konektado ang mga Pasigueno sa mga serbisyo ng LGU. May access ka sa health care – including emergencies. May access ka sa crime protection at rescue – pag may krimen at gulo kita agad sa CCTV at may quick response. Pag may sunog, may aerial firefighting capability na tutulong sa mga bumbero. Pag may disaster, mas mabilis ang rescue. Pag may traffic, kita agad at maa-untangle ang mga buhol. But first, kailangan lahat ng Pasigueno, connected and we have already laid out a plan para siguradong may access ang bawat Pamilyang Pasigueno. Kaya pong ibigay sa kanila ito ng Pasig. Kaya nga Kaya This ang aming battle cry. Bawat konsehal po, pati na ang ating Vice Mayor lyo Carunco Bernardo at ating Congressman Christian Sia, may kanya-kanyang adbokasiya at assignments para sa improvement ng buhay ng mga Pasigueno. At ang ating warrior for women, youth and sectors with special needs ay si Ara Mina. Ang ino-offer po ng Team Kaya This ay isang pamahalaang may malinaw na plano para sa ngayon at sa kinabukasan. Kaya po ito kung gugustuhin. Tamang sistema at tamang priorities lang po ang solusyon. Para sa pamilyang Pasigueno, kaya natin ito. Kaya This! Maraming salamat po.”