Advertisers

Advertisers

Ara idolo si Vilma sa pagiging public servant

0 6

Advertisers

Ni Jimi C. Escala

HINDI kagulat gulat kung muling papasukin ng aktres na si Ara Mina ang mundo ng pulitika.

Bukod sa mula siya sa angkan ng mga politician being anak ni Mel Mathay ay kilala siya sa buong showbiz na matulungin sa mga nangangailangang taga-media at mga kapwa nito artista.



Tatakbong konsehal ng district 2 ng Pasig si Ara sa darating na May elections, huh!

Inamin pa ni Ara na nasa tiket siya ng tumatakbong mayor ng lungsod na si Sarah Discaya o Ate Sarah na makakalaban ang partido ng incumbent mayor na si Mayor Vico Sotto.

Ano ang laban ng grupo nila Ara sa team ng nakaupong alkalde na si Mayor Vico?

Well, maraming programang inilatag sina Ara at Ate Sarah na para sa mga Pasigueno.

Nagkakilala sina Ara at Sarah sa medical mission ng St. Gerard Construction Charity Foundation na pinamumunuan ng huli hanggang sa tinanong na ang aktres kung type nitong pasukin ang pulitika lalo’t nalamang tubong-Pasig ang aktres.



Ayon kay Ara ay hindi naman daw siya agad sumagot kay Ate Sarah.

“Hindi naman ako um-oo agad, alam ni ate Sarah ‘yun kasi sabi ko magdadasal pa ako, asking for a sign, kausapin ko pa ang pamilya ko, so, mga three months pa bago ako nakabalik sa kanya (sabay tingin kay Sarah) para mag-decide to run.”

Siyempre, kung sakaling manalo siya sa darating na May elections ay hindi raw niya iiwanan sng showbiz, huh!

Kumbaga kung sakaling papalarin ay tatanggap pa rin naman daw siya ng ng mga alok sa pelikula at sa telebisyon, huh!

“Hindi naman ako titigil sa showbiz nandiyan ‘yan, eh, hindi mawawala ‘yan. Siyempre magpo-focus tayo dito (serbisyo publiko) pero tulad nga ng sinabi ko meron pa kasi akong movie na hindi natapos at tatapusin after eleksyon.

“Madali na namang gawin ang isang movie ngayon hindi tulad noon na eight months (inaabot) pero ngayon ilang days na lang natatapos na ang isang movie,” paliwanag pa ni Ara.

Naitanong din kay Ara kung sino ang iniidulo niya pagdating sa larangan ng pagiging public servant.

Agad namang sumagot si Ara na ang isang Vilma Santos ang iniidolo niya.

Ang kanyang ninang Vilma na nagsilbing mayora ng Lipa, naging gobernadora ng lalawigan ng Batangas, naging congreswoman at ngayon ay nagbabalik gobernador.

“If there is a good offer (tatanggapin) parang si Ninang Vilma, di ba? Nakakagawa rin siya ng movie once in while kahit nakaupo siya pero naka-focus siya sa public service.

“So, siguro ganu’n, we never know bahala na si Lord pero magpo-focus ako sa public service kapag tayo’y nanalo,” lahad pa rin ni Ara.

Say naman ni Sarah, “Ang common sa amin ay ‘yung sister ni Ara na may special needs and all of our kids has clinically diagnosed with ADHD (attention-deficit/hyperactivity disorder), so, very close to our hearts ang mga PWD (person with disability) na makabigay ng programa.”