Advertisers
Sa pag-iikot sa bansa maka-ilang ulit na nakita ang paglayo ng kaayusan sa mga lugar na natunguhan mula sa unang namalas at ng panahon na umunlad ang kalagayan. Hindi mapigilan ang paghanga sa namalas na pagbabago na tila yumabong ang kabuhayan ng lugar, ngunit ‘di naalis na itanong sa isip, umunlad ba ang mga kaibigan o ang mga tao sa pag-unlad na nakita. Walang pagtutol sa pag-unlad ng bayan saan mang dako sa bansa higit silip ang pakinabang ng mga naninirahan higit ang mga taal sa lugar. Ang makitang umuunlad ang lugar higit ang mga taong naninirahan ang pinaka-iibig at ipinagpapasalamat sa mga taong nag-isip, nagsagawa ng pag-ahon sa kabuhayan ng nakararami, higit sa mga taal o likas sa lugar na nakita ang pag-unlad.
Sa isang pamayanan sa kaTimogang Palawan, maselan at mahaba ang laban ang tinahak ng mga taga Maria Hangin higit ang mga katutubong Molbog at Cagayanin sa lugar na bangit. Sa laban noong 1974, nasaliksik ang maselang laban ng mga katutubo sa mga dayong inaakin ang lugar at tuwirang pinalalayas sa lugar na pag-aari kuno ni Danding Cojuangco sa panahon ng Batas Militar. Sa nasabing panahon, gamit ng bangit na nagmamay-ari kuno ang dating Philippine Constabulary na nagtataboy sa katutubo sa ngalan ng negosyong itatayo. Sa layong mapaalis ang mga katutubo sa lugar ang masakit na kaganapan. Sa dahilang walang alam na ibang matitirahan, ang umusog sa malalim na bahagi ng kagubatan ang galaw na ginawa kapalit ang mabuhay.
Hindi natapos ang panunupil sa mga katutubo, at higit na humigpit ang laban sa paninirahan ng maki pag-tuwang si Danding sa banyagang negosyanteng Prances na may negosyo ng Jewelry at nagtayo ng taniman ng perlas sa karagatang sakop ng Munisipyo ng Balabac na nagpaalis maging sa mga taong unat (low-landers) at mga mangingisda sa lugar. Sa pagtatayo ng taniman ng perlas nabansot ang pangingisda ng mga pamalakaya na pangunahing ikinabubuhay. Nabawasan ang paglalaro ng mga pamalakaya hangang sa umabot na pinagbawalan ang pangingisda sa lugar na tuwirang nagpahirap sa kabuhayan ng mga naninirahan. Lumaon ang panahon, hindi na lang ang mga katutubo ang nakakaranas ng panunuwag maging ang mga unat at pamalakaya’y pareho ng biktima ng mga dayo sa Maria Hangin.
Sa naranasang panggigipit ng mga tao sa bangit na lugar, umusbong ang grupo ng Samahan ng mga Katutubo at Maliliit na Mangingisda sa Dulong Timog Palawan (SAMBILOG). Nagbuklod ang mga naninirahan upang tutulan ang pang-aagaw sa lupaing kanila mula sa unang mga ninuno. Sa totoo lang, ang pang-aagaw na ginawa ng grupo ng nagnanais ng pag-unlad ang nag-alis ng kabuhayan kinabubuhay sa matagal na panahon. Sino ang ‘di tututol sa pagkawala ng maihahanda sa hapag at isusubo dahil sa kunong kaunlaran. Isang delubyo sa likas na atga Maria Hangin ang maalis sa kinagisnang pamayanan para kunong pag-unlad ng bayan. Subalit ang batid na pag-unlad ay nagsisimula sa pamayanan patungo sa pangmalakihang pakinabang. Nahan ang pakinabang sa pag-unlad na ibig paalisin sa pamayanan ang likas na naninirahan?
Matarik ang landasin ng mga nanirahan sa Maria Hangin maging sa pagkakabuo ng SAMBILOG, at hindi inaasahan ang isang ordinansa mula sa konseho ng Bayan ng Balabac na naglagay sa karagatan ng banggit na bilang protektadong lugar na ipinagbawal ang pangingisda. Sa bangit na ordinasa, tila kinitil ang kabuhayan ng mga maliit na mangingisda sa lugar. Ito ba ang pag-unlad o pagkalinga sa mga naninirahan sa baybayin ng Balabac.
Sa kabilang banda, naghain ang Samahan ng katutubo na kasapi ng SAMBILOG ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang matigil ang pangangamkam ng mga kanilang lupain at sa huli maibalik ang lupaing likas na kanila. Ang masakit, matagal na ang panahon at hanggang sa kasaluluyan walang kilos ang pamahalaan sa bangit na usapin. Tinatawagan si Boy Bangag ng Malacanan na silipin ang may katagalang hinihingi ng katutubong Molbog at Cagayanin.
Tuloy ang laban ng kaTimugang palawenyo at naipaabot ang usapin sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan. Sa inilapit na usapin tila namamana sa dilim ang SAMBILOG sa laki ng kalaban na tinitignan bilang haligi ng kabuhayan sa bansa. Subalit umaasa na ang pag-unlad na nais ng kasalukuyang pamahalaan ang sandigan sa inilalapit na katarungan ng nakakarami. Ang maramdaman ng nakakarami higit ng mga katutubo siyang usal na maririnig sa mismong bibig ng pangulo, pag-unlad ng nakararami at ‘di ng iilan.
Sa pamahalaan, inaasahan ang galaw na walang pagkiling sa ano mang panig sa ngalan ng patas na pamamahala, at kaunlaran ng nakakarami ang adhikain ng lahat ng lider na nasa puno ng Balite sa Malacanan. Ang makuha ng may kaayusan at walang maduduhagi sa nag-uusap ang inaasahan sa mga kinatawan ng pamahalaan. Sa pagharap ng mga kinatawan sa mga panig, ang paghahayag ng kagalingan, kabukasan at pusong nagninilay sa kagalingan sa kasalukuyan at sa hinaharap ang bigyan diin. Huwag iwalay sa isip at puso na matagal nang paninirahan sa Maria Hangin ang kaharap na na luminang sa kaayusan ng lugar na pinag-uusapan.
Sa kabilang banda, ang pag-unlad na may katarungan ang iuusal ng panig ng mga negosyante. Sa pagpasok ni Ramon Ang bilang Tserman ng San Miguel Corp., na isang marangal na tao at tunay na sumisilip sa kagalingan ng nakakarami, umaasa na magkakaroon ng kaayusan sa patunguhan ng usapan. Mainam ang pamumuno ni Don Ramaon at umaasa na ang paninirahan ng mga likas sa lugar ang pangunahing usapin sa magaganap na usapan. Pangalawa, umaasa na bibigyan pansin ang paghahanap buhay ng mga likas ng timog Palawan. Sa totoo lang, may kabukasan sa usapin si Don Ramon. Asahan ang “win-win solution” ang mabaabangit ng SMC higit si Don Ramon ang haharap. Ang pag-unlad ng bansa ang pakay ng mama at umaasa na walang maduduhagi sa dalawang panig. Ang kabukasan sa pag-uusap higit sa panig ng dalawang kampo ang landas sa pagbabago na may pag-unlad nahaharapin sa kinabukasan.
Ang usaping na bangit sa itaas ang nais iparating ‘di lang sa pamahalaan, maging kay Don Ramon na kilala sa pagiging patas. Ang pag-unlad na hinahanap sa nakaraan ang kasalukuyang nasa harap na kailangan na mapakinabangan ng nakakarami. Huwag mag-hanap ng kagalingan sa hinaharap dahil ang nasa harap ang kagalingan na dasal sa nakaraan. Ang masagip ang pamayanan ng mga katutubo at ang paglago ng kabuhayan ang dasal sa nakaraan na nasa harap ng mag-uusap. Nasaharap ang sasagiping pamayanan ng katutubo sa Palawan.
Maraming Salamat po!!!!