Advertisers
ARESTADO ang mag-asawa nang ibenta ang dalawang anak para lamang may pambili ng iligal na droga, sa Lapu-Lapu City.
Sa pinagsamang operasyon ng Cebu City Social Welfare and Services (CSWS) at Mambaling Police Station 11 nadakip ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Duljo Fatima, ng nasabing lungsod.
Ayon kay Catalina Abella ng Gender and Development (GAD-CSWS), Marso 7, 2025 naalarma ang kanilang tanggapan hinggil sa pagbebenta ng bagong panganak na sanggol sa nabanggit na lugar.
Agad na tinunton ng mga awtoridad ang bahay ng mag-asawa at naabutan nila ang mga ito kasama ang pito pang anak.
Sa pag-imbestiga, inamin ng ginang na ibinenta niya ang kanyang 22-araw na sanggol sa isang nurse na ang asawa ay isang sundalo sa halagang P30,000.
Tinungo ang bahay ng nurse at nabawi ang sanggol na ngayon ay nasa pangangalaga ng DSWD pati ang kanilang anim na anak.
Sa himpilan ng pulisya, inamin ng mag-asawa ang pagbebenta sa kanilang mga anak dahil sa kahirapan at hindi narin nila masustentuhan ang kanilang bisyo sa paggamit ng shabu.
Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mag-asawa.