Advertisers
UMISKOR si rookie Jemalyn Menor ng game-high 21 points upang tulungan Pereptual na iposte ang 25-10, 19-25, 25-22, 25-19 wagi laban sa San Sebastian para manateling makinis sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament sa JRU Gym sa Mandaluyong City.
Nangailangan pa ng grupo ni Coach Sandy Rieta ng extra set para talunin ang lady Stags at mapanateli ang kanilang malinis na 6-0 rekord.
Tatlo pang Lady Altas ang nagtapos sa double figure,Daizerlyn Uy tumipa ng 15 points,habang si Winnie Bedana may 13, at Shaila Omipon 12.
Fianne Ariola nagbigay ng sapat na kontribusyon na 25 excellent sets.
Veteran Katherine Santos pinamunuan ang San Sebastian College sa iniskor na 22 points. San Sebastian nalaglag sa 3-2 win-loss rekord.
Samantala, ang defending champion Altas Spikers, naitala ang kanilang fifth win na 25-20, 25-19, 25-18 wagi kontra Golden Stags.