Advertisers
INAASAHAN na ang pagpailanlang sa topspot sa senatorial race ni Senator Bong Go sa halos lahat ng surveys na isinagawa at ipinalabas sa media kamakailan.
Siya naman ang tanging may resibo kung ano ang nagawa niya para sa sambayanang Pilipino sa loob ng kanyang anim na taong termino.
From day one kasi ng panunungkulan ay tinupad na niya ang pangako at plataporma na naramdaman ng bayan ang kanyang MALASAKITprogram hanggang sa kasalukuyan.
Kaya kahit gaanong lakas at puwersa ng mga masamang elementong hinihila siya pababa ay moog na si Go na di na mababaklas pa sa kanyang pedestal.
Huwag lang pakampante nang husto si SBG…it’s all over but the counting. Go Senator Go!
***
Dahil sa overwhelming support ng sambayanang Pilipino..narito ang STATEMENT NI SENATOR GO: ‘Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at tiwala sa akin.
Pero sobrang malungkot ako ngayon dahil sa mga nangyayari sa ating bansa. Para akong nawalan ng isang tatay.
Sa kabila nito, patuloy ang aking trabaho at pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit. Kaya inuuna ko ang pagsusulong sa mga batas at programang makakatulong sa mga ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga mahihirap at walang wala sa buhay.
Patuloy nating ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa tao. Kasama na dito ang mga serbisyo at programang medikal para sa mga mahihirap na mga pasyente at pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.
Ang inyong tiwala at suporta ay patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon upang gawin kung ano ang tama, isulong ang interes at ipaglaban ang kapakanan ng mga Pilipino.
Lagi kong tinatandaan ang sinabi sa akin ni Tatay Digong: “Just do what is right. Unahin ang interes ng bayan, unahin ang kapwa Pilipino, at hinding-hindi ka magkakamali dyan.”