Advertisers
DAPAT nang ma-expose ang katiwalian ng mag-iinang tumatakbong magkakasama sa pamunuan ng lungsod—ang anak bilang mayor, ang ina bilang vice mayor, at ang isa pang kapatid bilang konsehal.
Ayon sa impormasyong ating natanggap mula mismo sa loob ng Mayor’s Office, ang asawa ng kasalukuyang vice mayor ay isang contractor ng City Hall, habang ang asawa ng tumatakbong konsehal ay matagal nang may kontrata para sa pagkumpuni ng mga sirang garbage truck ng lungsod. Kontratista rin ng mga proyektong imprastraktura ang kapatid ng alkalde. Tinatayang milyun-milyon ang kinikita ng mga ito buwan-buwan mula sa kaban ng bayan. Ginawa nilang gatasan at negosyo ang kawawang syudad.
Samantala, ang nanay ng vice mayor ay tumatanggap umano ng porsyento (SOP) mula sa mga malalaking projects, pagbili ng gamot para sa health centers, at iba pang proyekto sa lungsod. Malinaw na ginagamit nila ang kanilang posisyon upang mapanatili ang kanilang impluwensya at patuloy na makinabang mula sa pera ng taumbayan.
Dapat malaman ito ng mga residente ng lungsod! Hindi natin dapat hayaang manatili sa pwesto ang isang pamilya na inuuna ang sariling interes. Ginagatasan lamang ang bayang nasasakupan kaya ito’y napag-iwanan na ng ibang siyudad sa Metro Manila.
Sa likod ng kanilang mabait at mapagbigay na imahe ay ang tunay nilang ugali—mapanlamang at mapanindak sa mga staff. Ang pagiging galante nila ay hindi galing sa kanilang sariling bulsa, kundi mula sa pondo ng pamahalaan. Lahat ng kanilang ginagawa ay pakitang-tao lamang.
Oras na upang mamulat ang sambayanan at hadlangan ang patuloy nilang pang-aabuso sa kapangyarihan!