Advertisers
INANUNSYO ng transport group na Manibela na magkakasa sila ng 3 araw na transport strike simula sa araw ng Lunes, Marso 24.
Ito ay bilang protesta sa umano’y hindi tamang datos na iprinisenta ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board at Department of Transportation kaugnay sa bilang ng mga nag-consolidate na jeepney operators at drivers.
Batay sa datos na inilabas ng LTFRB noong 2024, nasa 83% na ang nag-consolidate na jeepney operators sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Nagpaso ang huling deadline extension na ibinigay ng pamahalaan para sa jeepney consolidation noong Nobyembre 29, 2024.
Nauna nang iginiit ng pamahalaan na ang layunin ng programa ay para maisamoderno ang public transport sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga tradisyunal na dyip ng mga mas moderno, fuel-efficient at roadworthy vehicles.