Advertisers

Advertisers

Spkr. Romualdez tiwala mawawalis ng ‘Alyansa’ senatorial bets ang EV

0 3,640

Advertisers

MAY kanya-kanyang pangako ang mga tumatakbong kandidato, meron ding mga garantisadong magdedeliber para sa sambayanang Pilipino.

Ang mga pahayag ni Speaker Martin Romualdez nitong Marso 14 sa Tacloban City, apirmasyon ng huli: dodominahin ng mga pambato ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hindi lamang ang Leyte kundi buong Eastern Visayas. E ‘di Wow!!!

Kung ang nasa 100,000 supporters na dumagsa sa Plaza Libertad ang pagbabasehan, hindi nga lamang nagpapahayag ng matapang na prediksiyon si Romualdez kundi isang malinaw na pagpapakita ng realidad. Naks!



Sa bilang na 1.4 milyong botante sa Leyte at 3.2 milyon sa kabuuan ng Eastern Visayas, nananatiling balwarte ng mga Marcos ang rehiyon, na siyang pinagmulan ng ina ni Bongbong na si dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ang nalalapit na halalan sa Mayo 12 ay nangingibabaw, hindi lamang bilang pangangampanya kundi pagpapakita ng puwersa, pagpapakita ng Eastern Visayas bilang isa sa mga sandigan ng dominasyon ng administrasyon.

“Ang pagkakaisang ipinakita ng ating mga kababayan dito sa Eastern Visayas ay patunay na buo ang suporta natin sa liderato ni Pangulong Marcos,” deklara ni Romualdez.

“Hindi lang ito isang rally. Ito ay isang paninindigan na ipagpapatuloy natin ang mga repormang magpapalakas sa ating ekonomiya at magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino,” diin ng lider ng Kamara

Bilang pinuno ng ruling Lakas-CMD, tinitiyak ni Romualdez na ipagkakaloob nila ang buong puwersa ng kanilang political machinery upang makamit ang target na Senate sweep. Ipinagdidiinan ni Romualdez, ang boto para sa tiket ng amdinistrasyon ay nanganghulugan ng pagpapatuloy ng kaunlaran, paglikha ng mga trabaho at mas epektibong serbisyo-publiko.



“Ang mga kandidatong ito ay maaasahang magpapatuloy ng reporma ni Pangulong Marcos. Ang boto natin para sa kanila ay boto para sa mas maraming trabaho, mas magandang edukasyon at mas maayos na serbisyong pampubliko,” punto pa nito.

Bumubuo sa ‘Alyansa’ ticket sina Benhur Abalos, Abby Binay, Ramon “Bong” Revilla, Pia Cayetano, Ping Lacson, Lito Lapid, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Tito Sotto, “Tol” Tolentino, Erwin Tulfo at Camille Villar.

Sa politika, mas matimbang ang bilang. Sa Eastern Visayas, makikitang hindi lamang prediksiyon o pangako ang mga sinasambit ni Romualdez kundi pasilip na sa landslide victory ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

***

Binira ni dating Presidential Legal Adviser, Atty. Salvador Panelo, ang mga reelectionist senators na kaalyado ni dating Pangulo Rody Duterte sa hindi pagdepensa ng mga ito sa pagkaaresto ng Interpol sa dating pangulo na ngayo’y nakakulong sa The Hague, Netherlands sa kasong ‘crimes against humanity’.

Sa kanyang vlog, binakbakan ni Panelo sina “Tol” (Tolentino) at Imee Marcos, ang ate ni PBBM na kunwari ay maka-Duterte kuno. Hehehe…

Si Tolentino ay isang international lawyer na nasa tiket ni Duterte. Pero hindi ito nakikisawsaw sa isyu ng pagkaaresto ng ICC sa dating pangulo, bagay na ikinaaalburuto ni Panelo. Araguy!!!

Anyway, si Panelo ay hindi rin naman kinuha para sa legal team ni Duterte sa ICC.

Ang ikalawang hearing ni Duterte sa ICC ay sa Setyembre 23. Nakakulong siya ngayon sa ICC costudial facility. Inaasahang tatagal ng 9 taon ang pagdinig sa kaso.