Advertisers
MATAGUMPAY na nahuli ng Pasay City Police Station ang isang drug suspect at nakumpiska mula sa pag-iingat nito ang PhP 348,840.00 halaga ng hinihinalang shabu sa isang sementeryo sa lungsod ng Pasay.
Noong Marso 18, 2025, bandang 11:00 PM, nagsagawa ng surveillance at validation operation ang mga operatiba mula sa Station Intelligence Section (SIS) ng Pasay CPS, sa pamumuno ni Officer-in-Charge PCOL Joselit M. De Sesto at direct supervision ni SPD Director PBGen Manuel J. Abrugena, kasunod ng impormasyon mula sa isang confidential drug informant ng Brgy. 148 Zone 16, Pasay City.
Sa naturang operasyon, arestado ang suspek na alyas “Herdhy,” 27-anyos, helper ng public cemetery. Nasamsam sa kanya ang walong (?? small heat-sealed transparent plastic sachet at isang (1) medium-sized heat-sealed transparent plastic sachet, na pawang naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay tumitimbang ng kabuuang 51.3 gramo na may halagang Standard Drug Price (SDP) na PhP 348,840.00. Bukod dito, narekober mula sa suspek ang isang (1) itim na pouch.
Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa tanggapan ng Station Intelligence Section para sa dokumentasyon at pagkatapos ay itinurn-over sa Drug Enforcement Unit (DEU) para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.
Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 11, Artikulo II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) para sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office ng Pasay.
Pinuri ni PBGEN Abrugena ang matagumpay na operasyon, na pinatingkad ang dedikasyon ng Pasay CPS sa pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga at pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad. (JOJO SADIWA)