Advertisers

Advertisers

Bong Go solido sa iba-ibang survey

0 9

Advertisers

Dahil sa solidong pagtitiwala at suporta na ibinibigay sa kanya ng taumbayan na ipinapakita sa iba’t ibang independent survey, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy niya ang pakikipaglaban o pagsusulong ng interes at kapakanan ng mga Pilipino, lalo ng mahihirap.

Si Go ay nananatiling matatag sa kanyang puwesto bilang isa sa frontrunner ng 2025 senatorial race, matapos siyang manguna sa pinakabagong Pulse Asia survey at mamantina ang pagiging isa sa “top choice” sa iba pang independent polls.

Sa Pulse Asia survey, na isinagawa mula February 20 hanggang 26, umakyat sa unahan si Go sa nakuha niyang 58.1% voter support—ang kanyang highest rating sa ngayon sa campaign cycle. Nagmarka ito ng malaki niyang pagtalon mula 50.4% rating noong January, kung saan ay nasa 2nd hanggang 3rd spot siya.



“Ang inyong tiwala at suporta ay patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon upang gawin kung ano ang tama, isulong ang interes at ipaglaban ang kapakanan ng mga Pilipino,” sabi ni Go.

“Lagi kong tinatandaan ang sinabi sa akin ni Tatay Digong: Just do what is right. Unahin ang interes ng bayan, unahin ang kapwa Pilipino, at hinding-hindi ka magkakamali dyan,” dagdag niya.

Bukod sa Pulse Asia, umakyat din si Go sa Social Weather Stations (SWS) rankings. Sa February 15-19 survey nito, si Senator Go ay nakaseguro ng ikalawang puwesto sa nakuha niyang 38% voter preference, isang malaking improvement mula sa third-to-fourth place ranking noong January na may 37% at December 2024 (32%).

Samantala, sa pinakabagong OCTA Research survey na isinagawa mula February 22 hanggang 28, kumubra ng 62% voter support si Go para sa ikalawang puwesto.

Bukod sa malaking numero na nakuha sa mga survey noong February, patuloy si Go sa pagpapakita ng malakas na laban ngayong Marso. Sa Tangere pre-election poll na isinagawa nitong March 11 to 14, si Go ay statistically tied sa top spot sa nakubrang 54% voter preference.



Kaya naman labis ang pasasalamat ni Go sa taumbayan sa ibinibigay sa kanyang suporta at pagtitiwala.

“Walang pinipiling oras, walang pinipiling lugar—kapag kailangan ng tao ng tulong, dapat n’andiyan ka. God-willing, kung mabigyan muli ng pagkakataon, itutuloy ko ang aking sinimulan at lalo pang pagbubutihin ang paglilingkod para sa inyo,” sabi ni Go.

Iniugnay ng mga observer na ang patuloy na pasirit ni Go sa mga survey ay dahil sa kanyang direktang paglapit sa komunidad at consistent advocacy para sa healthcare reforms, disaster response, at grassroots assistance.

“Ang aking sipag sa pagtatrabaho ang isa sa mga maiaalay ko sa inyo. Bukas po ang aking opisina para sa inyong lahat at patuloy po akong magseserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo rin sa Diyos,” sabi ni Go.