Advertisers
Paging PNP Police Region 1 Director, Brig. General Lou Evangelista.
Patungkol ito sa dalawang gambling operators na nasa AOR ni PLTCOL. Roldan Cabatan na protektado umano ng isang high ranking official.
For sure sir general, pamilyar sayo ang dalawang kupaling ito dahil kilala at matagal na ang mga puwestong PASUGALAN nitong sina FLORES at IBASAN dyan sa lalawigan ng Pangasinan kung saan may ilang beses ng inireklamo maging sa tanggapan mo.
Halos bawat barangay sa Mangaldan, pangasinan ang mga pergalan ng mga kupal na ito na sinasabing protektado at pini- finance ng isang kupalin ding high ranking official.
Duda tayo kung KASOSYONG- LAWAY nga lang ba talaga nina FLORES at IBASAN ang hindot na opisyal.
Maugong kasi Gen.Evangelista na bahag ang buntot ng mga kapulisan ng Pangasinan at ng mga mismong tauhan mo dyan sa PNP Regional Police Office 1 dahil na rin sa impluwensiya ng sigang high rank official na protector nitong sina FLORES at IBASAN.
Kahit itanong mo pa daw kay PIDLAWAN na bata-bata umano ni Mayor Ressuelo.
Ipinagmamalaki pa umano ng dalawang kupal na ito ang payolang ipinagkakaloob umano sa tanggapan mo Gen.Evangelista umaabot ng daang libong piso linggu- linggo.
I’m sure ide- deny mo ito Gen. Evangelista sir.
Kilala naman kita Gen.Evangelista sir at alam kong walang katotohanan ang ipinagyayabang ng dalawang gambling operators na ito.
Baka naman puwedeng mong turuan ng leksyon na wag maging masyadong matabil at mayabang.
Pati kasi inteligensiya para sa opisina mo Gen.Evangelista mina- Marites.
Hindi maganda yun, di po ba sir general?
Bukod sana sa ipahuli mo at ipasara ang mga pasugalang ito nina FLORES at IBASAN dyan sa mga Brgy at mismong centro ng Mangaldan, Pangasinan, patikimin mo ng kulong itong dalawang kupaling ito na direktang bumababoy sa malinis mong pangalan General Evangelista sir.
Walang respeto at takot sa inyo Sir General Evangelista
Marahil dahil umano sa ibinibigay na payola sa opisna mo, iniisip ng mga kupal na sina FLORES at IBASAN tolongges kayo at madaling paikutin.
Sampulan mo nga Sir General.
Speaking of Gen. Evangelista, alam natin na “hands on” ito sa iba pang importanteng mga kaganapan dyan sa Region 1.
Titingnan natin kung hindi mamamalahibo itong si General Evangelista sa kamandag ng mga kupal na si FLORES at IBASAN dyan sa Mangaldan, Pangasinan.
Tingnan natin kung may ibubuga nga ba talaga ang mamang general?
Baka puro press release lang eh?
Hehehe!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com