Advertisers
Ni Archie Liao
NAHAHARAP sa panibagong hamon si Ara Mina dahil desidido na siyang pasukin ang mundo ng pulitika.
Kumakandidato kasi siya bilang konsehala ng Pasig City sa darating na national election ngayong Mayo.
Kasama siya sa ticket ni Sarah Discaya na matinding katunggali ni incumbent mayor Vico Sotto.
Bagama’t sumubok na siya noon sa pulitika ng taong 2010, hindi naman siya pinalad na nagwagi.
Gayunpaman, hindi raw naman niya sinukuan ang kanyang pangarap na makapaglingkod.
“Never ko namang isinara ang pinto ko na posible akong muling tumakbo, kaya heto ako ngayon running for councilor in Pasig City,” aniya.
Ipinaliwanag din niya kung bakit tumatakbo siya bilang konsehala sa Pasig.
“Aside, na it’s a way of paying back, dito talaga ang roots ko. Dito ako lumaki, so this is my home. My mom and dad are from Pasig. Iyong ancestral home namin is located in Santolan. Even noong wala pa ako sa showbiz, residente na kami ng Pasig,” paliwanag niya.
Naniniwala naman siyang sa pagtakbo niya sa ticket ng kalaban ni Mayor Vico ay hindi mamasamain ang kanyang desisyon ng iginagalang niyang Comedy icon na si Vic Sotto o ng anak nitong si Vico.
Iginiit din niya na kahit hindi sila ganoon ka-close ni Angelu de Leon na tumatakbo bilang konsehala sa ticket ni Vico ay walang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
” Ok kami. Actually nagkita na kami before pero that time, hindi pa ako decided if I’m running for office. Wala namang problema sa amin ni Angelu,” bulalas niya. “Pareho naman kami ng goal at iyon ay ang makatulong sa aming mga kababayan,” dugtong niya.
Happy din si Ara dahil suportado ng kanyang mister na si Dave Almarinez ang kanyang kandidatura.
“Actually nagulat siya dahil hindi niya ini-expect na tatakbo ako but just the same, he’s very supportive. Ako naman, it took me three months to make a decision. Pinag-pray ko talaga at humingi ako ng signs. By the way, Dave is also running under Turismo partylist,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, binibigyan din daw siya ng tips ng businessman at politician husband sa pagsabak sa public office.
Kung mahahalal sa public office, nais ni Ara na tutukan ang pag-aaruga sa mga PWD at urban poor.
Nais niyang magpatayo ng assistance center para sa seniors at people with disability.
Kasama raw sa plataporma nila ang programa sa PWD dahil pareho silang malalapit sa special children owing to the fact na pareho sila ni Sarah na may mga kamag-anak na may special needs.
“Isa iyon sa projects na napag-usapan namin ni Sarah dahil may special spots sa amin iyong mga PWD lalo na iyong sister kong si Baching ay may Down syndrome tapos may kids naman siyang diagnosed with ADHD,” pagtatapos niya.
Prayoridad din daw niya ang pagbibigay ng livelihood projects para sa mga kababaihan, edukasyon para sa mga kabataan at pabahay sa mga marginalized sector.
Balak din ni Ara na mag-aral ng Public Administration.