Advertisers

Advertisers

PUTIK NG MAYNILA

0 2,146

Advertisers

Madaling makilala ang mapagpanggap sa kilos at pananalita ngunit karaniwang ‘di pinapansin sa ngalan ng pakikisama. Nararating ng mapagpanggap ang pwestong nais ngunit ‘di ang rurok dahil hindi kaloob ng sanlumikha na masira ang kaayusan na kanyang nilikha. Walang puwang na makuha ng mapagpanggap ang rurok ng kagalingan sa kadahilanang ipagpapalit sa mabilisang pakinabang ang una sa halip na magtiis ng may katagalan. Mailap ang pagkakataon na dumating ang panahon na masungkit ang rurok na magbibigay kagalingan dahil ang tunay na tuon ng mapagpanggap ang panandalian pakinabang na ‘di kailangan ng paghahanda sa halip ang umarte sa harap ng marami’y sapat na sa panlililo sa kapwa na umaasa sa salita ng isang sirkero sa politika.

Sa lumipas na panahon, maraming namalas sa mundo na ‘di nakuha ang rurok na ibig kunin ng paupo gamit ang salang pangako. Tunay na may pagsubok sa buhay at ang mapariwara ang bayan ang karaniwang kaganapan sa pamumuno ng tiwaling lider na sarili ang una at ‘di ang bayan. Sa totoo lang, likas sa mapagpanggap ang pagmamalaki sa nagawa higit bulag ang nakasilip. Subalit sa likod ng mga ginawa, ‘di maitago ang sariling pakinabang higit sa bayan na bumibitbit ng tustusin pasanin. Ang pagmamagaling sa gawa ang balita o ang ibinibida sa harap ng mga bumibilib sa usal ng bibig na tila kinikiliti. Sa usal ng pagbebenta sa sarili ‘di makaulayaw sa saya ang mga hunghang na kapanalig dahil sa pakinabang na dulot. Panandaliang pakinabang sa nakakarami ngunit pangmatagalan sa naghahatid kuno ng magandang balita. Magandang balita dahil malaki ang pakinabang na pansarili ngunit karampot sa nakakadami na ‘di batid na pasanin sa mahabang panahon. Gamit ang usapin ng pandemya umalagwa ang pagnanais na pagtulong sa mga tagaMaynila na rason sa bentahan ng ilang mahalagang ari-arian sa Lunsod. Ang malaking pinagtustusan ang pinaka-iibig dahil kaakibat ang malaking pakinabang na pansarili.

May ilan na ipaayos ang dating yorme tulad ng Manila Zoo subalit ‘di sapat sabihin ang pakinabang sa pagkawala sa pamahalaang lunsod ang mga pag-aaring tuwirang pinakikinabangan ng tagaMaynila, tulad ng gusali sa Divisoria. Tipid na ipaalam sa tagaMaynila ang halaga ng bilihan o bentahan na pag-aari ng lokal na pamahalaan ngunit ang paglobo ng utang ang talang nabatid bukod sa pagyabong ng pag-aari ng dating alkalde. Sa totoo lang, ang Maynila ang gitnang lunsod ng bansa ngunit mababa ang antas kabuhayan ng lunsod kumpara sa ilan sa kaMaynilaan. Hindi minamali ang pag-utang ngunit ang ‘di makita ang tuwirang pakinabang ng mamamayan ang hanap na ‘di namasdan. Tila eksperemento sa Lunsod ng Maynila ang lugar pasyalang bayan na pinaganda na parang make-up na panandalian ang pakinabang, tulad ng dolomite beach walk.



Ngayon, ibig na muling magbalik sa serbisyong bayan ang artistang magaling gumanap sa harap ng kamera ngunit walang lalim sa pagganap sa gawaing pampamahalaan. Masisilip na inilalako ang sarili na muling sasagip sa kalagayan ng maraming Manilenyo na lubog sa kahirapan. Tulad ng unang bangit tunay na naghihirap ang kabuhayan ng mga taga Maynila dahil sa utang na iniwan at bentahan ng mga ari-arian ng lokal upang may maitustos sa bangungot na maging lider ng bansa. At sa totoo lang ang pandemya ang ginawang dahilan sa pagsimut ng kaperahan ng lunsod na bunsod ng pagkakabaon sa utang ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Muli, nagmamagaling at panay ang puntos at pananaboy ng putik ang ibig na magbalik na taartits na akala mo’y walang putik ang kamay higit sa pinaggagawa sa nakaraan. Sa totoo lang, hindi sumu-sunod ang taartits sa kasunduan higit naranasan ang ginhawa ng pagiging alkalde na daanan ng kaperahan ng lunsod. Sa madla, nariyan ang artistang na nadismaya sa dating yorme sa usapang napagkasunduan na tila naka sulat sa tubig. Hindi iba sa mga Manilenyo na ang takits sa pwestong tatanganan ang dahilan ng ‘di pagsunod sa usapang magkakampi. Batid sa baba ang pagkakaroon ng intelehensya mula sa tao sa baba higit ang mga negosyanteng naninirahan sa lugar ni Onse sa Binondo. Sa totoo lang, kapado ng mga tagaMaynila ang kalakaran sa banggit na lugar higit ang padulas mula sa tsekwa ng Binondo. Hindi pa usapin ang takits sa Divisoria na larawan ang abutan.

Sa mga nagdaan na panahon, silip ang pagbabago ng kabuhayan ng artistang magbabalik sa pagka Mayor ng Maynila. Silip ang naggagandahan at mamahaling mga tahanan na nabili o naipatayo sa likod ng ‘di sapat ang kita sa pag-aartista. Sa dami ng naipatayong mga mamahaling bahay, silip rin ang magagarbong gamit mula, relo, sasakyan maging mga sapatos na daan libo ang halaga. Hindi maikaila na sa pagtakbo ng nagbabalik na artista sa panguluhan sa nakaraang halalan paglobo ng utang ng lunsod kasunod ang paglobo ng ariarian ng dating alkalde. Sadyang mapalad ang mama habang walang palad ang maraming tagaMaynila sa pagkaka said ng salapi ng lunsod.

Sa totoo lang, napag-iiwanan ang lunsod ng Maynila sa dami ng dapat ayusin subalit ang muling maluklok ang dating alkalde na mahusay sa panlililo gamit ang pag-arte. huwag magpabulag mga tagaMaynila sa ‘di tamang gawa o pagtustos ng dating artista, yorme sa kaperahan ng lunsod na nagpabagal sa pag-unlad ng lunsod minamahal. Mainam na mag-isip isip sa iluluklok na alkalde. Ang maunlad na lunsod ‘di kailangan ang umarte sa halip tunay na serbisyong bayan para sa kagalingan ng Manilenyo. Ang taong walang isang salita ay hindi dapat pagkatiwalaan higit ilang pagkakataon na nagawa sa kapwa. Tila hindi sapat ang takits sa halalan sa nakaraan at kailangan bumalik upang magtuloy tuloy ang ginhawa sa buhay. Ang masakit, bitbit ang anak na mag-oOJT bilang konsehal na pasasahurin ng Manilenyo habang igigiya na susunod sa yapak, bilang kinatawang bayan at ang pagkaalkalde sa susunod na panahon.

Magising bayan, ang mga Manilenyo sa uri ng ihahalal dahil hindi na nakaahon sa hirap ang bayan, maging ang pangunahing lunsod sa bansa. Malakas ang hatak ng pansariling kagalingan ang asam ng dating artista, dating alkalde at silip ang pambobola sa mga manghahalal ng lunsod sa pagbangit ng mga hungkag na pangako. Malayo ang inangat ng kabuhayan ng dating yorme na di ibig masilip ng mga manghahalal ng Maynila. Ang putik sa kamay ng dating alkalde ang tuwirang dahilan upang iwaksi ang salang pamamahala sa Lunsod ng Maynila.

Maraming Salamat po!!!!