Advertisers

Advertisers

MABUBULOK SI GONGDI SA KULUNGAN NG ICC

0 154

Advertisers

MASKI anong ingay ng mga supporter niya, wala kaming nakikitang malinaw na kinabukasan kay Gongdi na ngayon ay bilanggo ng International Criminal Court (ICC). Maski punuin nila ng fake news ang social media, isa lang ang endgame ng kasalukuyang sitwasyon: mananatili si Gongdi sa kustodiya ng ICC. Sa maikli, maaaring mabubulok siya sa piitan.

Hindi karakaraka na bibigyan siya ng kalayaan at ibabalik sa Filipinas ng ganoon kadali. Hindi makukuha ang ICC sa matinding ingay at dami ng kanilang fake news sa social media. Hindi nila makukumbinsi ang mga hukom ng ICC na palayain si Gongdi. Dadaan siya sa masusing proseso. Kung minamalas, maaaring mamatay siya doon sa piitan habang sumasailalim siya sa masusing pag-usig at pagdinig kaugnay ng sakdal na crimes against humanity.

Ito ang kapalaran naghihintay kay Gongdi sa ICC. Maiging matutong magtiis at maghintay ang kanyang pamilya at tagahanga sa sasapiting kapalaran sa hinaharap. Hindi nila mapipilit ang ICC na basta siya pakawalan. Maraming buhay siyang pinuksa noong siya ang pangulo sa Filipinas. Pagbabayaran niya ang lahat ng kanyang atraso sa bayan.



Sanayin nila ang kanilang sarili na wala na si Gongdi. Gulay na siya habang nasa pangangalaga ng ICC. Kung maaari, ituring nila na patay si Gongdi. Alisin na sa kanilang alaala si Gongdi. Ituring na masamang bangungot ang kanyang ginawang malawakang patayan sa ilalim ng kanyang madugo pero bigo na giyera kontra droga.

Hindi biktima si Gongdi ng mga tao at organisasyon na kontra sa kanyang pamumuno. Hinabol siya ng mga biktima ng kanyang ilegal na giyera kontra droga. Sa ilalim ng pamumuno ni Sonny Trillanes, isinampa ang sakdal na crimes against humanity sa ICC. Sumulong ang sakdal at kamakailan, nag-isyu ang Pretrial Chamber ng ICC ng arrest warrant upang dakpin siya at dalhin sa The Hague upang ipiit at papanagutin sa malawakang patayan.

***

MAPALAD kaming naimbita at makadalo sa isang Misa ng Pasasalamat ng mga pamilya ng humigit-kumulang sa 80 pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK). Ginanap noong Martes ang Misa sa chapel ng Ayala Fairview Terraces sa Quezon City. Karamihan sa mga dumalo ay mga residente ng mga barangay sa Bagong Silang at Camarin, ang dalawang komunidad ng maralita sa Caloocan City. Daan-daan ang pinatay ng mga pulis at hindi kilalang vigilante sa dalawang komunidad.

Inorganisa ni Milette Mendoza ang Misa sa ilalim ng Sibol, ang civil society organization na itinayo upang pag-isahin ang mga pamilya ng mga biktima ng EJKs noong panahon ni Gongdi. Katulong niya ang kambal na kapatid na si Choy Mendoza upang pagbigkisin ang mga pamilya at hingin sa gobyerno na parusahan si Gongdi at mga kampon na sangkot sa pumalpak na war on drugs ni Gongdi.



Pagkatapos ng Misa, nagsalita ang ilang kinatawan ng mga pamilya at ipihayag ang kanilang kagalakan dahil inaresto si Gongdi at isinuko siya ng gobyerno ni BBM sa ICC. Katarungan ang aming hanap, ito ang paglilinaw nila sa sumunod na forum. Nilinaw ni Milette sa kanila ang pangangailangan na panatilihing handa ang kanilang mga dokumento dahil sama-sama silang hihingi ng bayad-pinsala mula sa estate ni Gongdi at gobyerno.

Kasama ang isyu ng war on drugs ni Gongdi ang “indemnification,” o bayad pinsala sa mga pamilya ng mga biktima ng EJKs. Kumikilos ang Kongreso upang gumawa ng batas kung saan magtatakda sila ng budget para bayaran ang mga pamilya ng mga biktima ng EJKs. Reparasyon ito sa kanila dahil ilegal ang pagpatay sa kanilang kaanak kaugnay sa war on drugs.

***

WALANG mangyayari sa hinihinging political asylum ni Harry Roque sa gobyerno ng The Netherlands. Hindi ibibigay sa kanya dahil hindi tumugon ang kanyang kahilingan sa mga requirement upang bigyan siya ng asylum. Walang political persecution batay sa paniniwala, lahi, o sexual orientation. Hindi totoo na ginigipit siya batay sa kanyang salita.

Ang totoo ay hindi nais ni Harry Roque na harapin ang mga usaping legal sa Camara de Representante at sa DoJ. Hindi niya isinumite ang mga dokumento na hinihingi ng Quadcomm kaugnay sa biglang lumobong asset at kahit ang sakdal na qualified human trafficking na isinumite ng NBI sa DoJ. Hindi pa naisampa ng Do J ang sakdal pero natatakot si Roque dahil kapag sumampa ang sakdal sa hukuman, may bababang arrest warrant laban sa kanya. Walang piyansa ang mga naakusahan ng sakdal na qualified human trafficking.

Maraming kaaway si Roque dahil tuluyang niyang hinagkan si Gongdi sa ang kanyang giyera kontra droga. Isa-isang naglalantaran ang mga kaaway at isinilarawan nila ang kanilang pahayag na walang matwid na bigyan ng asylum si Roque dahil hindi siya kwalipikadong. Mapipilitan siyang bumalik sa bansa o kaya maging palaboy sa mundo.