Advertisers

Advertisers

Josh Hart triple-double sa panalo ng Knicks vs. Heat

0 5

Advertisers

NAGTALA ng triple-double si Josh Hart upang tulungan ang host New York Knicks na palamigin ang Miami Heat 116-95 Lunes ng gabi sa Madison Square Garden.

Nagtapos si Hart ng 12 points, 13 rebounds at 11 assists, tinapatan ang marka na itinakda ng kasalukuyang Knicks broadcaster Walt “Clyde” Frazier noong 1968-69.

Karl-Anthony umiskor ng 15 unanswered points sa kaagahan ng second quarter at burahin ng Knicks ang 13-point deficit. Pinakamahabang strectch ng unanswered points ng New York player simula kay Mike Sweetney na umiskor ng 12 straight points laban sa Boston Celtics noong Nobyembre 6,2004.



Mikal Bridge umiskor ng game-high 28 points para sa Knicks ( 43-34), na nag improved sa 3-2 simula ng mawala si Jalen Brunson indefinitely na may sprained left ankle. Towns nagtapos ng 23 points habang si Miles McBride at Mitchell Robinson nag-ambag ng tig- 10 puntos.

Duncan Robinson may 22 points para sa Heat (29-39), na umabot sa 12-0 bago nalasap ang kanilang ninth straight loss at nalaglag sa 4-15 simula e-trade si Butler. Tyler Herro umiskor ng 20 points habang si Bam Adebayo (12 points), Davion Mitchell (12 points) at Kel’el Ware (10 points).