Advertisers

Advertisers

Abogada patay, nobyong lawyer sugatan sa ambush

0 35

Advertisers

Nasawi sa mga tama ng bala ang isang abogada at sugatan ang kanyang kasamang abogado sa pamamaril sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Lunes ng hapon, March 17, 2025.

Kinilala ang napaslang na abogada na si Junisa Kimamao, at residents ng naturang barangay.
Sugatan sa naturang pamamaril ang kanyang kasintahang si Attorney Ibrahim Pindatu na taga Barira, Maguindanao del Norte.

Ayon sa paunang imbistigasyon ng Datu Odin PNP, sinasabing sakay ang magkasintahan ng kanilang private vehicle.



Habang binabagtas nila ang kahabaan ng national highway pagsapit nila sa naturang lugar dito na pinagbabaril ng maraming beses ang mag-fiance dahilan upang magtamo ng maraming tama ng bala ang dalawang abogado.

Agad naman ito sinaklolohan ng mga unang sumaklolo at dali-daling isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan subali’t idineklara na patay ng mga attending doctor si Atty. Kimamaw habang patuloy na nakikipaglaban kay kamatayan si Atty. Pendatu.

Sa report, nakatakda na sanang ikakasal ang dalawa, ayon sa mga kakilala.

Sinabi ni Lt. Col. Lopez na work related ang isa sa sinusundang anggulo ng krimen.

Posibleng ang nasawing si Atty. Kimamao ang target dahil siya ang napuruhan sa dibdib.



Ayon kay Lopez, nililikon nila ang CCTV footages upang makatulong sa imbestigasyon.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station hinggil sa insidente.

At patuloy parin iniimbistigahan kung ano ang motibo sa naturang pamamaril.