Advertisers

Advertisers

Vlogger na pulis kinasuhan ng sedisyon sa pag-upak kay PBBM at sa PNP

0 35

Advertisers

Sinampahan na ng kasong sedition ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang pulis hinggil sa kanyang mga pahayag at komento sa social media kaugnay ng ginawang pag-aresto ng mga otoridad nang ihain ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ang pulis na si Pat Francis SteveTallion Fontillas na kinasuhan ng kasong inciting to sedition (Article 142 of the Revised Penal Code) in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012 (Republic Act 10175) nitong Lunes ng Quezon City Police District (QCPD),

Sa vlog na ipinost ni Fontillas sa kanyang Facebook page, binatikos nito si Pagnulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., at mataas na official ng Philippine National Police (PNP) partikular na si MGen Nicolas Torre III, Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at pagbabanta sa ICC hinggil sa nasabing isyu.



Base sa record ng QCPD Personnel Records and Management Division, nakatalaga si Fontillas sa District Personnel and Holding Admin Section mula pa noong Feb. 20 at nag-absent without official leave (AWOL) ito mula noong March 6, 2025.

Pinaalalahanan naman si QCPD Acting Director Col. Melecio Buslig Jr., ang lahat ng mga personnel nito na panatiliin ang highest standard ng professionalism at discipline.

Kaugnay nito, sinabi ni BGen Jean Fajardo, PNP spokesperson na ang nasabing pulis nag-apply ng sick leave hanggang March 19 pero hindi umano ito naaprubahan dahil sa kulang ito sa kaukulang supporting document dahil hindi siya nag-submit ng medical certificate para ma-justify ang kanyang request na medical leave at pagkatapos hindi na ito nagpakita at nag-lapse na itong kanyang order na mag-report at hindi ito pinapansin kaya dineklarang na siyang AWOL at hinihintay na lang ang order galing ng NHQ.

“Actually ilang beses na siyang pinatawag na mismong district director ng QCPD. May mga memorandum na ipinadala sa kanyang bahay, he refused to receive the same kaya because of that nagsumite na ng report ang QCPD sa NCRPO para i-declare na siya na AWOL,”pahayag ni Fajardo.
Isinaad din ni Fjardo na nag-undergo na rin ang nasabing pulis ng neuro psychiatric examination dahil prior to this nag-undergo na rin siya ng medication to address ang kanyang mga mood swings.

“Tama kaya ‘yan tinitingnan rin natin kung nagkaroon ba ng pagkukulang doon sa supervision nung kanyang commanders kung if this is not the first time na siya ay nag vlog ng mga kontra sa PNP leadership and even sa gobyerno. So ang binigay sa atin diyan as early as 2023, meron na pong napansin sa kanya na kakaiba kaya at in fact meron siyang medication na tini-take at ito ngayon ang tinitingnan na marahil, hindi natin sigurado na maaaring contributory kung bakit ganyang inaasal nitong pulis na ito,” ani ni Fajardo.



Aniya, hindi natin pupuwedeng pabayaan ito kaya hinihintay lang na lumabas itong order ng AWOL at once lumabas ‘yung kanyang AWOL, didisarmahan na ito at baka iundergo pa siya ng restrictive custody.

Hihingi tayo ng update diyan dahil kahapon nga nag-neuro siya pero hindi natapos so ine-expect natin na babalik siya ngayong araw.

Binigyaan diin ni Fajardo na sakaling bagsak ito sa neuro, maaring maging basehan upang i-discharge na siya sa serbisyo dahil ‘yung physical and mental fitness, continuing in character sa isang kapulisan so kung ma-aassess talaga na meron siyang problema sa pag-iisip it can be a ground to separate from the PNP service. (Mark Obleada)