Advertisers
Tuloy-tuloy ang mga isinasagawang ‘Bring Him Home’ rally sa ibat-ibang lugar partikular sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila at sa labas ng bansa na nilalahukan ng daang libong mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa crowd estimate ng BALYADOR aabot sa higit isang milyon ang dumadalo sa naturang mga aktibidad.
Nakasuot ang mga ito ng t-shirt na kulay green at pula at may dalang maliliit na watawat at mga karatulang may nakasulat na mga pagtuligsa kay Pangulong Bongbong Marcos.
Bandang alas tres ng hapon nang magsimula ang programa, na binuksan ng mga live performance na nagtagal ng isang oras.
Sinundan naman ito ng pagtatalumpati ng ilang naimbitahang mga personalidad.
Nagkakaroon din ng vigil at interfaith prayer sa Liwasang Bonifacio Visayas at Mindanao maging sa ibang bansa. Nag-candlelight vigil naman sa Rizal Park sa Davao City nitong Martes ang mga taga-suporta ni dating pangulong Duterte. Tinatayang libu-libong Duterte supporters ang nag-rally sa Zamboanga City habang libu-libong taga suporta naman ang dumagsa sa prayer rally sa Cotabato City na sinundan ng maiksing parada. Ito’y para ipahayag ang kanilang damdamin sa pag-aresto sa dating pangulo
Tinatayang nasa higit isang milyong mga indibidwal ang lumahok sa mga rally na isinagawang sa buong bansa ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay base sa obserbasyon na ilang nitizen kung saan wala namang naitalang untoward incident dahil karamihan sa mga rally ay ikinasa sa Davao City, Cebu, Leyte, Buhol, Surigao, Sulu, Biliran, Baybay City, Siquijor, Ilo-ilo, Kidapawan, Iligan City, Das Lutopan Toledo City, Tacurong, Southern Leyte, Carcar City, Mandaue City, Cagayan, Metro Manila at iba pang lugar maging sa ibat-ibang bansa kung saan nagpahayag ang mga raliyista ng kanilang suporta para sa dating pangulo.
Naka heightened alert status ang PNP, na ipinatupad noong March 11 kasunod ng pag-aresto kay Duterte, binawi na ng Pambansang Pulisya.
Sa ngayon, nananatili sa normal alert ang buong status ng PNP sa buong kapuluan.
Samantala ikinalungkot naman ng August 21 Movement o ATOM ang pagkakahati-hati ng mga Pilipino kasunod ng pagka-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Matapos ang pag-aresto at pre-trial ni Duterte, dinala ng kanilang mga tagasuporta sa social media ang kanilang hinaing habang ang ilan ay nagtungo sa kalsada upang ipanawagan na ibalik sa bansa ang dating pangulo.
Nanawagan si ATOM President Volt Bohol sa mga nagkakatunggaling pananaw na manatiling mahinahon.
Huwag na aniyang patulan ang mga patutsadahan sa social media upang hindi na makadagdag sa kaguluhan.
Ani Bohol, patuloy na magsasalita ang lahat tungkol sa katotohanan pero sa paraang hindi nang-iinsulto.
Aniya, matagal na panahon ding hinintay ang pagkamit ng hustisya kung kayat patuloy na magsikap ang lahat na di na manumbalik ang diktadurya o mapaniil na pamamahala.
Subaybayan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.