Advertisers

Advertisers

MARIS NAKA-MOVE ON NA SA ISYU KAY ANTHONY

0 17

Advertisers

Ni Beth Gelena

MASAYA ang dalawang aktres na sina Janella Salvador at Maris Racal sa mga panalong proyekto nila.

Hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress na si Maris sa patuloy na pagbuhos ng biyaya at pagkilala sa kanyang mga nagawang proyekto. Masaya rin si Janella dahil napansin ang kanyang galing matapos ang Best Actress nomination sa indie film na ‘Fleeting.’



Hindi naman akalain ni Maris na muli siyang tatanggapin ng netizens na mababalik sa limelight ang kanyang career dahil sa issue sa kanila noon ni Anthony Jennings.

Nanalo ang Sunshine movie ni Maris sa Canada at umalagwa rin ang movie nila ni Anthony na Sosyal Climber sa Netflix.

So far ang daming bumilib sa kanya sa role niya sa Incognito bilang isang spy.

***

JUDAY ANG DAMING UNFORGETTABLE MOMENTS SA PORTUGAL



MEMORABLE kay Judy Ann Santos ang trip niya sa Portugal.

Unforgettable experience sa aktres ang pagpunta niya sa Porto, Portugal kung saan um-attend siya ng Fantasporto Film Festival at siya ang tinanghal na Best Actress Award for her performance in Espantaho.

Sa Instagram ng actress ay pinost niya ang mga kuhang larawan ng kanilang adventure sa picturesque city kasama ang husband na si Ryan Agoncillo at ilang mga kaibigan.

Ani Juday, “PORTO… you were such a revelation. Napaka-charming mo. Sa kabila ng lamig at ulan, ang ganda mo pa ring libutin.”

Dagdag pa niya, “It made this trip even more special with the closest and dearest people to me.”

Ayon sa aktres, aminado siyang tumungo ng walang expectations kundi ang i-represent ang kanilang pelikula sa international stage.

“Pumunta kami ng Porto ng walang inaasahan kundi mairepresenta lang namin ang pelikula at bansa natin. Umuwi akong bitbit ang pinakamabigat na [tropeyong] natanggap ko buong buhay ko.”

Pinasalamatan ni Juday ang Fantasporto Film Festival.

“Maraming salamat FANTASPORTO! Hinigitan mo ang lahat sa puso ko,” wika niya.

“Alay ko to sa lahat ng bumuo ng pelikulang ESPANTAHO.. para sa inyo to.. @chitorono @direk_chris_martinez @attyjoji @neildaza sa buong cast, crew, staff, editors .. lahat lahat kayo.. para sa jnyo to!”

Maging ang mister na si Ryan ay buong puso rin nilang pinasalamatan.

“And my love @ryan_agoncillo thank you, for making this journey more memorable. I love you forever.”

Ang kanyang acceptance: “I would like to thank the jury, Fantasporto for the recognition. It is with great pride and honor that I am here to represent my country which is the Philippines.”

“To my husband and to my three children, they’ve always been my inspiration in every project I make. I’m just so happy I am bringing home the best souvenir,” dagdag pa niya.

***

KARYLLE SONABIHANG DDS SI NONOY

BINUKING ni Karylle si Nonoy Zuñiga: “Isa siyang DDS, isa siyang dentista”.

Aniya, isang DDS ang beteranong singer o dentista.

Sa “TNT Grand Resbak 2025” ng It’s Showtime, nilinaw ni Nonoy na hindi siya DDS kundi isang MD o Doctor of Medicine – Agad na nag-sorry si Karylle at sinabing maling impormasyon ang naibigay sa kanya ng ama.

Hindi naman na-offend ang singer at nagpatuloy sa pagbibigay ng komento sa resbaker.

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng It’s Showtime host na si Karylle patungkol sa isa sa mga OPM icon at hurado ng “TNT Grand Resbak 2025” na si Zuñiga.

Ani Karylle, “Isa siyang DDS, isa siyang dentista.” Nilinaw naman ni Karylle sa kanyang Instagram account na ang tinutukoy niya na DDS ay “dentista” at hindi “Diehard Duterte Supporter.”

“Ang maghuhurado sa ‘yo, isa siyang DDS, isa siyang dentista, Dr. Nonoy Zuñiga!” ani Karylle.

Agad namang natawJhong Hilario at iba pang hosts na kasalukuyang nag-iinterview sa Grand Resbaker.

“‘Di ba, Tito? Baka hindi nila alam, Tito Nonoy, ‘di ba you’re a dentist?” dagdag pa ni Karylle. Mariin naman itong itinanggi ni Nonoy at sinabing, “No, I’m not. I’ve finished medicine.”

Dahil dito, nagtanong si Vice Ganda, “Ano ba ‘yong DDS?” Sagot ni Karylle, “Ano kasi ‘yon, Doctor of Dental Science.”

Sa puntong iyon, natatawang sumingit si Vice, “Iklaro kasi natin.” Nilinaw naman ni Nonoy na hindi siya DDS kundi MD o Doctor of Medicine. Dahil dito, agad namang nag-sorry si Karylle at sinabing mali raw ang nasabi sa kaniya ng ama. Sa kabila ng insidente, hindi naman na-offend si Nonoy at nagpatuloy na lamang sa pagbibigay ng komento sa mga kalahok ng Grand Resbak.