Advertisers

Advertisers

Deo Macalma Sobrang Biased Na Broadcaster Sa Kandidatang Mayor Sa Maynila Na Si Super Mahra Tamondong; Super Mahra At Bise Mayor Remy Oyales Kapwa Number 1 Sa Online Poll Ng One Manila

0 24

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

NATURINGANG Vice President pa naman ng DZRH na AM Station ng Manila Broadcasting Corporation si Deo Macalma at matagal na ito sa mundo ng broadcasting. Pero sa tanda na niyang ito sa radyo ay biased o may kinikilingan pala siya pagdating sa mga kandidatong Mayor ng Maynila.



Ayon sa kanya ay hindi raw niya kilala si Super Mahra Tamondong na isang senior citizen advocate at itinuturing na “HERO” ng ating mga elders sa Maynila. At taong 2021 ay nagsimula nang bumaba o magpunta kasama ng kanyang Team sa iba’t ibang distrito ng Maynila para mamigay ng tulong o ayuda sa ating mga kababayan.

Ayos lang naman kung tanggihan niyang interbiyuhin si Super Mahra sa kanyang programa at baka may manok na siya sa mayoral candidate sa Maynila o committed na siya sa sinuman na sinusuportahang kandidato.

Pero yung insultuhin niya ang pangalang Super Mahra ay sobra siyang mag-discriminate at napaka insensitive ng beteranong anchor na ito. Na para bang ubod ng gwapo kung isnabin si Super Mahra Lorraine Tamondong. Eh, ang mukha nito ay para silang pinagbiyak na bunga ng namayapang komedyante. No joke!

Saka sino ba siya para mangmaliit kay Super Mahra e starlet lang naman siya kay Rey Langit na iconic sa world of Broadcasting na matagal na panahong naging Superstar announcer ng DZRH.

Hay naku maswerte siya at binigyan siya ng talent ng Diyos. Pero hwag siyang magmalabis at maging mayabang sa kanyang kapwa at baka ibagsak siya ng Itaas. Saka baka sugurin siya sa DZRH ng libo-libong solid and loyal supporters ni Super Mahra at kalbuhin siya!



Dapat sa isang broadcaster ay maging propesyonal. At pantay-pantay ang maging tingin at trato sa mga tumatakbong kandidato partikular na sa mga mayoralty race sa Maynila. Obligasyon mo rin na kilalanin kung sinu-sino ang mga ito. Pero ugali na siguro ng Deo Macalma na ito na maging bastos sa ayaw niyang kandidato. Saka napaka-imposible na hindi niya kilala si Super Mahra Tamondong e lumabas na ito at nainterbiyu sa iba’t ibang TV at Radio programs at may Livestream pa ito sa Media House Express every Saturday at 1:00 to 3 PM na well followed.

Kasama niya rito ang kanyang Vice Mayor Remy Oyales at mga katiket na Councilors na sina Actress Sylvia Manansala, Boyet Mariño, Edwin Cayetano, Harry Huecas, Jett Magno, Strauss Tugnao at Edwin Pilola Salve. At siya (Super Mahra) rin ang sinusuportahan ng sikat at matapang na beteranong komentarista na si Ka Waldy Carbonell. Well, walang pinagkaiba si Deo Macalma sa mga kalaban ni Super Mahra sa 2025 Midterm Election, na dahil sa pagka-inggit ay inaapi nilang lahat at pilit na ibinabagsak ang maganda at matalinong kandidata na may totoong pagmamahal at malasakit sa mga Manilenyo.

***

KAYSA patulan ang mga bashers at trolls, mas pinipili at binibigyan ng atensyon ni Super Mahra Tamondong ang kanyang mga Outreach Program at iba pang charity projects para sa mga kababayang Manilenyos na matagal nang sinimulan.

Kaya naman parami nang parami ang solid and loyal supporters ni Super Mahra na love na love ng mga Senior Citizens sa Maynila. Maging ang mga Batang Blumentritt at vendors sa iba’t ibang public market sa Maynila partikular na ang Divisoria Market ay supporters na rin ni Super Mahra. Gayundin ang maraming Muslims sa Quiapo na naniniwala na may kakayahan siyang magsilbing bagong Alkalde ng lungsod ng Maynila. Sigaw nila ay si Super Mahra ang kanilang pag-asa lalo’t isa sa maraming proyekto nito ay Livelihood para sa mga Lola, Lolo, Nanay at Tatay. Tututukan din nito ang kalusugan ng mga elders at libreng edukasyon ang ibibigay ni Super Mahra sa mga kabataan.

At kung handa na siya sa nalalapit na kampanya? Oo naman! Very prepared na sila ng kanyang mga ka-ticket kabilang na ang kanyang Vice Mayor na si Remy Oyales at pitong masisipag na Councilors mula sa iba’t ibang distrito ng Maynila. Nakahanda na rin ang lahat ng kanilang campaign materials. Samantala, kung malakas at matunog ang pangalan ni Super Mahra sa mga Manilenyo na nangunguna sa kanyang mga kalaban sa One Manila Online Poll. Si Remy ay pinili sa nasabing online poll kontra sa kanyang mga katunggali. Well, parehong deserve ng Super Mahra Tamondong-Remy Oyales Tandem ang natatanggap na suporta mula sa mga Manilenyo na bumoto sa kanila. At sila nga ay madalas makita na nag-iikot sa maraming barangay sa Maynila para mag-abot ng tulong at ayuda. Lalo na si Super Mahra na inaabot ng madaling araw sa pamimigay ng pagkain sa mga binaha at nasunugan. Yes, kahit wala sa pwesto ay may pagmamahal at malasakit si Super Mahra sa mga kapos sa buhay nating mga kababayan. Number 9 sa balota ang nasabing pretty Manila Mayoral Candidate. Nagpa-blessing pala sina Super Mahra at partner na si Boss Tony ng kanilang Office headquarters. Dinaluhan ito ng kanilang mga supporters kabilang na ang ilang Vloggers na loyal kay Super Mahra.