Advertisers

Advertisers

Paulit-ulit nababanggit ang pangalan sa ICC…SEN. BATO IDINIIN SA ICC COMPLAINT

0 22

Advertisers

BAGAMA’T hindi nakasama sa ipinalabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulo Rodrigo Duterte ang pangalan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ilang beses namang lumilitaw ang pangalan niya sa pangunahing tagapagpatupad ng giyera kontra droga na kumitil ng libu-libong buhay sa inihaing reklamo ng tiga-usig.

Nakapaloob kasi sa 54-pahinang dokumento na nakadetalye ang pangalan ng senador bilang isa sa mga “coperpetrators” ni Duterte na tinukoy pa si Dela Rosa bilang “matagal nang kaalyado” ng dating Pangulo at pinuno ng Philippine National Police noong 2012 kungsaan inilunsad ang Oplan “Tokhang”, ang mga pulis ay kumakatok sa mga pintuan ng mga umano’y gumagamit at nagtutulak ng droga at hihi-ling na sumuko, inilalagay din sila sa drug watch list na karamihan sa mga nakalista ay napapatay.

Magugunitang ang warrant laban kay Duterte ay may petsang Pebrero 10, at Marso 13 lamang isinapubliko.



Inaresto si Duterte Marso 11 pagbaba niya sa paliparan mula sa HongKong, na agad din ibiniyahe patungong The Hague, kungsaan siya ay inilagay sa ilalim ng kustodiya ng ICC upang harapin ang kasong ‘crimes againts humanity’.

At isang araw matapos ang pag-aresto sa dating Pangulo ay naging mainit naman ang pangalan ni Dela Rosa na aarestuhin dahil sa kasong isinampa laban sa kanya na umano’y nagresulta ng kamatayan ng mga inosente na bahagi ng kaso sa ICC.

Naghayag naman si Dela Rosa na kanyang gagamitin ang lahat ng legal remedy sa Pilipinas, kabilang na rito ang paghingi ng proteksyon kay Senate President Francis Escudero upang mapigilan ang pag-aresto sa kanya.

Bahagi pa ng dokumentong inihain sa ICC ang pagtutukoy ng papel ni Dela Rosa sa bilang pinuno ng pulisya ng Davao City noong 2012 kasabay ng pagpapatupad ng ‘Tokhang’.

“Where police Davao Death Squad (DDS) members were the shooters in a killing operation, they would sometimes stage a nanlaban (‘fight back’) scenario, in which they would plant a weapon on the victim to make it appear as though the victim had been killed by the police acting in self-defense. Sometimes DDS members planted drugs on the victims to create a justification for their targeting of victims,” bahagi ng dokumentong nilagdaan ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.



Aminado naman si international law expert Rodel Taton, dean ng San Sebastian College-Recoletos Graduate School of Law, na ang pagiging pinuno ng PNP ni Dela Rosa ang isa sa magiging paksa sa ICC, na sa huli ay matutulad sa pag-aresto ni Duterte.

Tinukoy ni ICC assistant to counsel Kristina Conti na sa kanilang pagkakaalam ay paulit-ulit na nabanggit ang pangalan ni Dela Rosa para sa aplikasyon ng isang warrant of arrest na posibleng siya na nga ang susunod na arestuhin.

Naniniwala rin si Atty. Michael Tiu, assistant professor sa University of the Philippines College of Law at pinuno ng International Criminal Law Program, na bibigyan diin ng kampo ng nagrereklamo ang papel ni Dela Rosa bilang pinuno ng PNP sa pagpapatupad ng patakaran.

Dahil dito, hinikayat ni Tiu ang lahat na hintayin na lamang kung magpapalabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Dela Rosa matapos ang pagtalakay ng pre-trial chamber.