Advertisers

Advertisers

Pag-aresto kay Duterte, iimbestigahan ng Senado

0 17

Advertisers

AGAD na nagpatawag ng imbestigasyon si Senador Imee Marcos kaugnay sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng inilabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) para sa umano’y crimes against humanity.

Ayon kay Marcos, dapat na matukoy kung sinunod ang due process sa pag-aresto kay Duterte ng International Criminal Police Organization (Interpol).

Naging isyu rin aniya sa pagkakahati ng bansa ang ginawang pag-aresto sa dating Pangulo.



“I am calling for an urgent investigation into the arrest [Duterte], an issue that has deeply divided the nation… It is imperative to establish whether due process was followed,” ani Marcos, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

Giit pa ng senadora na kailangang masagot ang nasabing isyu upang maitaguyod ang hurisdiksyon ng bansa at linawin ang mga polisiya na sumasaklaw sa ating mga law enforcement agencies at ang kanilang ugnayan sa mga international tribunals.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig ang mga opisyal mula sa Philippine National Police (PNP), Office for Transportation and Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr), National Security Council (NSC), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang resource persons at testigo.

Itinakda sa Marso 20, araw ng Huwebes ang imbestigasyon ng Senado.

Matatandaang inaresto ng mga otoridad si Duterte noong Marso 11, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kung saan ipinadala rin siya sa The Hague, Netherlands sa parehong araw. (Mylene Alfonso)